Article Inside Page
Showbiz News
May pag-asa nga bang magka-developan sina Heart at Dennis offscreen sa ‘Dwarfina’? Tinanong namin si Dennis Trillo para malamang ang sagot.
May pag-asa nga bang magka-developan sina Heart at Dennis offscreen sa ‘Dwarfina’? Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network.

Nagsimula na nga ang pinakaaabangang fantaserye nina Heart Evangelista at Dennis Trillo, ang
Dwarfina. Ano nga ba ang pakiramadam ni Dennis ngayong muli silang magkakatrabaho ni Heart?
“Medyo matagal kaming magsasama dito dahil isa itong series, so exciting,” says Dennis.
Kamusta naman ang working relationship nina Dennis at Heart dito sa show na ito?
“ Sobrang lagi siyang pleasant, daling lapitan, masarap katrabaho dahil hindi niya ipinaparamdam sa mga kapwa artista niya na kailangan may ilangan,” paglalahad ni Dennis sa kanyang interview with
Startalk TX nitong nakaraang Sabado. “Gusto niya laging komportable lahat. Kaya maganda yung mga trabahong ginagawa niya.”
Todo papuri naman si Heart sa kanyang co-star. “[Working with him is] so good. It’s different when you work with a good actor kasi siyempre, sa isang eksena kailangan nagshe-share kayong dalawa, hindi lang yung nagco-concentrate ka lang sa sarili mo, and nakakahugot ako ng emotions.,” she said in the same interview. “Everytime I look at him, involved na involved siya sa eksena so excited naman ako na nagkatambalan kami ulit.”
Natanong naman silang dalawa kung ano ang gagawin nila kung sila ay magka-developan while working on
Dwarfina, and parehas na hindi nakasagot ang dalawa agad at napangiti lamang.
“Hindi, siyempre ang focus namin, trabaho, pagandahin ang trabaho namin,” explained Dennis. Parehas rin silang very happy with their current relationships kaya naman they intend to keep the magic strictly onscreen.
Kung gusto niyo namang malaman ang iba pang mga kuwento tungkol sa cast ng
Dwarfina, you have the chance to ask Dennis himself as he returns sa iGMA Live Chat! Today,
January 13, 2011 from 2 P.M. to 4 P.M. ay personal niyong makakausap at makaka-chat si Dennis kaya naman make sure to prepare your questions and makipag-chat na! Log in sa
www.igma.tv/livechat to find out more on how to be part of this exclusive event.
Pag-usapan ang bagong show ni Dennis Trillo sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get the latest updates on Dennis.
Just text DENNIS (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers,
text GOMMS (space) DENNIS (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.