GMA Logo Heart Evangelista at Baus Rufo in The People Have Spoken
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at Baus Rufo, ayaw sa mga walang utang na loob na kaibigan

By Kristine Kang
Published October 12, 2026 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: AI SCAMS ARE GETTING SMARTER—HOW CAN GLOBAL PINOYS SPOT A FAKE?
Philippine Airlines: Riyadh flights suspended until November 29, 2026
11 ka ash emissions, nagluntad sa Bulkan Kanlaon matapos naglupok sang Sabado | Ratsada Balita

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista at Baus Rufo in The People Have Spoken


Alamin ang POV ng People at celebrities tungkol sa toxic friends dito!

Napaisip ang mga celebrity guest sa nakakaintrigang tanong tungkol sa pagkakaibigan at pagtataksil sa GMA comedy game show na 'The People Have Spoken!'

Noong Sabado (October 10), hinarap ng People ang Round 2 question na "Sino ang pinakaayaw mong maging barkada? Walang utang na loob, plastic, o tsismosa?"

Para sa Team MAXREA (Max Collins at Andrea Torres), walang utang na loob daw ang napulsuhan nilang sagot ng People.

"Kasi lagi sinasabi 'Wala siyang utang na loob. Wala siyang utang na loob.' So feeling ko 'yun 'yung mas ayaw ng mga tao," paliwanag ni Max.

Samantala, tsismosa naman ang piniling sagot ng Team GLADGELU (Gladys Reyes at Angelu de Leon).

"Kasi diyan nag-uumpisa lahat 'yun e. 'Yung pagiging plastik at saka 'yung pagiging walang utang na loob. Imagine mo kaya niyang pagtsismisan ka. Eh 'di ba minsan 'yung barkada natin, sabi nga diyan tayo pinaka dapat safe. Pero most of the time, sila 'yung una pang, sadly, nagkakaroon tayo ng mga ganoon...at nag-uumpisa 'yun sa tsismis," ani Angelu.

"Naniniwala ako: kakambal ng tsismosa, traydor. Kasi siyempre 'di ba tsinismis ka, so ibig lang sabihin no'n tinatraydor ka. Magkakamag-anak 'yan,"dagdag ni Gladys.

READ: Gladys Reyes at Angelu de Leon, hindi pabor sa gentle parenting?

Bilang beauty queen, naniniwala naman ang celebri-peep guest na si Nicole Cordoves sa world peace, kaya dapat magkaibigan daw ang lahat.

Ngunit hirit niya, "Pero ang pinaka i-close mo 'yung tsismosa para pag-usapan n'yo ang walang utang na loob at plastik. So lahat kayo nasa group chat, kasi complete casting dapat 'yan sa barkada. Kung lahat kayo mabait, ano naman 'yung friendship na 'yon 'di ba? "

"Kailangang may kontribusyon kayo sa character development ng isa't isa. So uugain niyo 'yung buhay ng isa't isa," biro pa niya.

Dagdag ni Sean Lucas, "Kaya-kayo magbabarkada kasi parehas 'yung sama ng ugali n'yo.

Kasali sa group chat chikahan, ang ayaw raw ni celebri-peep Baus Rufo ay ang "walang utang na loob" na kaibigan.

"Number one, kailangan natin ng tsismis. Love language 'yan ng mga group chat. Tama o mali? 'Wag na po tayo magmalinis. Lahat po tayo naging plastic na in our lives," aniya.

"Pero 'yung walang utang na loob, ate kung wala kang utang na loob ano na lang pinagkaiba mo sa kamag-anak ko? 'Wag tayo maggamitan, dapat totoo tayo dahil magkabarkada tayo.

Added sa group chat din si Heart Evangelista na tila may personal story tungkol sa tanong.

"Para sa akin, kapag sinabi mong plastic (at) tsismosa, those are characters that think of somebody that's not nice. Na parang siguro kapag nakabarkada mo na, parang may mafe-feel ka," paliwanag niya.

READ: Heart Evangelista tungkol sa mga mayayaman: 'The reality is, not all the time you're happy'

Kaya naman daw, mas traydor para sa kanya ang walang utang na loob na barkada.

"Kasi talagang pinapasok mo 'yun. So para baliwalain o gamitin ka lang as a friend for their benefit o meron silang ulterior motive. Mas masakit 'yun para sa akin," dagdag niya.

Ngunit sa huli, walang pares ang nakakuha ng puntos dahil mas pinili ng People ang sagot na "plastic."

Huwag palampasin ang season finale ng game show na 'The People Have Spoken,' ngayong Sabado, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

Samantala, balikan ang ilan sa mga iconic POVs ng 'The People Have Spoken' team sa gallery na ito!