GMA Logo Heart Evangelista and Baus Rufo in The People Have Spoken
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at Baus Rufo, naniniwalang hindi sapat na dahilan ang pagbubuntis para magpakasal?

By Kristine Kang
Published June 14, 2026 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

FIFA World Cup: Qatar hails first World Cup point after late goal stuns Switzerland​ in 1-1 draw ​
Baterbonia's siblings to get scholarships from Ateneo de Davao
Barbie Forteza's 2026 MEGA Ball ensemble was mostly Filipino pieces

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista and Baus Rufo in The People Have Spoken


May opinyon ang celebrities at People tungkol sa mga "shotgun wedding" o mga kinasal dahil nabuntis ang mga girlfriend.

Isa na namang weekend night na puno ng tawanan at makabuluhang kuwentuhan sa pinakabagong original game show na The People Have Spoken.

Nitong Sabado (June 13), muling napakinggan at ibinahagi ng People ang kanilang iba't ibang opinyon sa mga relatable topics at issues.

Isa na rito ang karaniwang eksena na nangyayari sa couples: "Kapag nabuntis ng lalaki ang kanyang girlfriend, dapat ba niya itong pakasalan, agad-agad?"

Para sa Team YSAGUEL na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, sang-ayon sila na dapat nga ikasal ang mga ito.

"Ako, naniniwala ako na 'pag pumunta ka sa sitwasyon na 'yun, nakabuntis ka, choice 'yun, e. So kailangan mong panindigan. Sa isang relasyon, isang paninindigan sa pagpapakasal sa isang babae," sagot ni Miguel.

Samantala, iba naman ang opinyon ng Team KOBOY na sina Kokoy De Santos at Buboy Villar.

"Para sa akin, hindi kailangan. Pakiramdam ko, hindi porke't nabuntis mo, kailangan mong agad pakasalan. Ang importante is kung masusustentohan mo ba, mapapanindigan mo ba, kung 'di mo tatakasan 'yung obligasyon mo bilang isang lalaki. Dahil lalaki ka," ani Kokoy.

Parehas din ang sagot ni celebri-peep na si Baus Rufo, basta't mas pahalagahan ang magiging anak.

"Hindi po siya kailangan pakasalan kasi ang una niyong priority dapat ay ang kapakanan ng bata. Marami pong ibang paraan para patunayan kung mahal mo 'yung girlfriend mo. Hindi niyo kailangang magpakasal, puwede pareho lang kayo ng profile picture sa Facebook. O di ba?" patawang sagot ng content creator.

Bilang isang married woman, mas importante rin kay Heart Evangelista kung paano alagaan ang magiging anak.

"Para sa akin, huwag kang padalos-dalos na kailangan mong pakasalan. Once you have a child, syempre iisipin mo again is the child. Ano ang magiging environment niya?" paliwanag ng host.

"Kung pipilitin n'yo lang na hindi naman talaga kayo magkasundo kasi hindi pa kayo matagal o nagsama at nabuntis ka lang, kailangan smart ka pa rin. Kaya smart parenting nga 'di ba? Pero dapat parehong responsable."

Sa huli, mas napulso ng Team KOBOY ang boses ng People sa naturang round na may 56% votes mula sa studio audience.

Huwag palampasin ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, silipin ang ilang behind-the-scenes ni Sean Lucas sa pilot episode ng The People Have Spoken sa gallery na ito: