GMA Logo Heart Evangelista at Joy Barcoma
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at Joy Barcoma, ayaw sa mga selosong asawa

By Kristine Kang
Published August 8, 2026 7:00 PM PHT
Updated August 8, 2026 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCIP holds dialogue with Aeta community in Tarlac over Pax Silica
This local fast food chain drops 2 cutest collectibles this August
P14.6M suspected smuggled cigarettes seized in NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista at Joy Barcoma


Heart Evangelista sa mga asawang ubod nang seloso: 'Parang in a way, competition din 'yun kung seloso.'

Iba't ibang opinyon ang ibinahagi ng mga celebrity at People sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!

Nitong Sabado (August 8), tinanong ang celebrity pairs at People ng: "Mas pipiliin mo ba ang asawang ubod nang seloso o walang pakialam?"

Unang sumagot ang Team PINKCAI (Pinky Amador at Cai Cortez), na “ubod nang seloso” ang kanilang pinili.

"Kini-claim natin na hindi toxic ang karelasyon natin. So doon na lang tayo sa ubod ng seloso na hindi toxic, kaysa naman walang pakialam," paliwanag ni Cai.

Pareho rin ang napulsuhang sagot ng Team MERMEL (Meryll Soriano at Mel Martinez) mula sa People.

"Dahil 'pag ubod ng seloso, ibig sabihin he cares. Pero B talaga 'yung gusto ko," ani Meryll.

READ: Pinky Amador at Cai Cortez, may say tungkol sa haters

Samantala, iba ang opinyon ni celebri-peep Joy Barcoma. Mas nais pa raw niyang makasama ang asawang walang pakialam.

"Kasi 'yung pagiging ubod nang seloso, technically, wala ka rin pakialam sa asawa mo, e. Wala kang pakialam sa nararamdaman niya. Kasi kung ire-restrict mo siya every time, 'di siya magkakaroon ng freedom to live her life. Dapat nga ang pag-aasawa, partnership siya. So kung ikaw na ikaw lang kino-consider na lang lagi nararamdaman mo, nawawalan ng pakpak 'yung asawa mo," sagot ni Jusa.

"Walang pakialam to the point na hindi niya pinapakialaman ang mga desisyon mo sa buhay. Pero hindi walang pagmamahal. Magkaiba kasi 'yun."

Sang-ayon din si Heart Evangelista sa POV ng celebri-peep.

"Agree ako doon sa walang pakialam kasi hindi productive 'yung seloso. Parang in a way, competition din 'yung kung seloso. Can be with the person, Can be with your career, mas gusto ko nang walang pakialam para maabot ko rin 'yung mga pangarap ko. Ikaw, gawin mo rin 'yung kailangan mong gawin. That's independence, guys, " aniya.

READ: Heart Evangelista ayaw sa asawang tamad: 'Tamad is tamad. X 'yun sa akin'

Sa naturang round, walang celebrity pair ang nakakuha ng tamang sagot dahil 55% ng People ang pumili ng “walang pakialam.”

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: