
Mas magiging solid ang Saturday nights sa pagdating ng pinakamalaki at pinakabagong GMA original game show na The People Have Spoken.
Humanda sa panibagong level ng saya at energy kung saan "POV mo, panalo!” handog ng newest Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng dalawang hosts ang excitement nila para sa kulitan at papremyo tuwing weekend.
"Masaya 'to! Kasi dito naman magaling tayo sa mga tiktaktalak. It's an original game show from GMA, so nakaka-excite," ani Heart.
Dagdag pa niya, "Kasi masaya lang na magpakatotoo, and I feel like by being expressive with what you want to say, it's a good time to discuss and to let out some sentiments. Mananalo ka pa kung mataas porsento, kung tama ba 'yung dahilan mo."
Bukod sa bagong hosting experience, ikinatuwa rin ni Sean ang pagkakataong makatrabaho ang Kapuso actress.
"Super shocked to be honest, and super parang 'di ako makapaniwala talaga. I told her this already, but she's one of my biggest crushes in the industry. So for me to be working with her now is kinda crazy to me," masayang sinabi ni Sean.
Abangan sina Heart at Sean sa The People Have Spoken, simula June 6 (Saturday), 6:15 p.m. dito lang sa GMA.