GMA Logo heart evangelista and sean lucas
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at Sean Lucas, gigil sa ideyang mag-jowa ang ex at best friend

By Kristine Kang
Published August 12, 2026 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ATOM slams Marcos over 'unproven' ill-gotten wealth claim
Timeless treasures for Ghost Month
Kadayawan 2026: The GMA Regional TV One Mindanao Special Live Coverage

Article Inside Page


Showbiz News

heart evangelista and sean lucas


Okay ba na magsama sina ex at best friend? Alamin ang sagot ng People at celebrities, dito!

Tila nagigil sa inis ang People at celebrities nang pag-usapan ang pagtataksil ng mga ex at matatalik na kaibigan.

Sa August 8 episode ng Kapuso original game show na The People Have Spoken, tinanong kung ano ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang magkasintahan na pala ang kanilang ex at best friend.

Kaagad namang sumagot ang Team PINKCAI (Pinky Amador at Cai Cortez), na tila may pagka-inis sa ideya ng tanong.

"Magtatampo kay friend. Dahil ex mo naman 'yan, wala ka nang hawak sa kanya. Pero yung friend mo, ang dami n'yo nang pinagdaanan. At siyempre, kaibigan mo siya. Sa dami-dami ba naman na lalaki, yung ex mo pa," ani Pinky.

"How dare you! Sumosobra! Parang totoo na," patawang dagdag ni Cai.

READ: Pinky Amador at Cai Cortez mabait sa kanilang haters?

Pareho rin ang sagot ng Team MERMEL (Meryll Soriano at Mel Martinez).

"Siyempre, hindi naman kasalanan 'yan ng ex mo yun. Mas kasalanan ng friend mo. Dapat yung friend mo yung poprotekta sa iyo, and then siya pa yung naging (jowa). So, parang not good sa friendship," paliwanag ni Meryll.

Iba naman at sarcastic ang naging opinyon ng celebri-peep na si Joy Barcoma.

"Alam mo, hindi ako magagalit kay ex kasi ex na. X na 'yan sa buhay ko. 'Di rin ako magtatampo kay friend kasi sobrang bait mo, 'te. Alam mo, sakit ng ulo ko 'yan kinuha mo pa. Kaya ang sagot ko diyan masaya ako para sa kanila, tatawa pa ako kasi parehas silang clown," hugot ni Jusa.

Hindi rin nagpatalo ang Kapuso hosts na sina Heart Evangelista at Sean Lucas, na nagbigay ng matitinding reaksyon sa sitwasyon.

Kaagad nagsalita si Sean, "E, kilalang-kilala ko na ang ex ko. Kilalang-kilala ko na best friend ko at parehas silang masama ang ugali. So magsama kayong dalawa! Masaya ako para sa kanila."

Palakpakan naman ang lahat nang ibahagi ni Heart ang kanyang unfiltered opinion.

"Magsama kayo, mga basura kayo. Pareho kayong pangit!" patawa niyang sinabi.

READ: Heart Evangelista, may hot seat question para kay Sean Lucas

Sa huli, bigo ang celebrity pairs na mapulsuhan ang boses ng People dahil 73% ang bumoto ng "Masaya ako para sa kanila."

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: