
Mas bubbly at fun side ni Heart Evangelista ang mapapanood ng mga manonood sa pinakabagong original game show ng GMA na The People Have Spoken.
Sa ginanap na media conference noong Huwebes, May 28, ibinahagi ni Heart na excited siyang mapakinggan ang iba't ibang boses ng taong-bayan.
"It's a first time for me to host a game show. I must say, nawalan ako ng boses, pero ang saya ko kasi madaldal talaga akong tao. I feel like nagkaroon ako ng outlet to be more expressive, to join a conversation, and I love that," aniya.
Ayon sa Kapuso star, “no-brainer” ang pagtanggap niya bilang host ng naturang game show.
“It's something that you can interact with people on the show and the people watching. Endless kasi 'yung topics. So hindi lang siya 'yung parang trivia.
"Parang dito, parang walang maling sagot, but may dahilan kung bakit ganun ang sagot nila. So in a way, you're also educating each other. So I love it, I love that," sab ni Heart.
Makakasama rin ni Heart ang quick-witted Kapuso host na si Sean Lucas, kung saan sama-sama nilang pakikinggan ang opinyon ng 100 studio audience tungkol sa iba't ibang paksa at issues. Kailangang mapulsuhan ng celebrity contestants ang popular answer para manalo.
Abangan sina Heart at Sean sa The People Have Spoken tuwing Sabado, simula June 6, 6:15 p.m. sa GMA.
Silipin ang fun highlights ng The People Have Spoken media conference sa gallery na ito: