Article Inside Page
Showbiz News
Here are some snapshots of Heart Evangelista in her dream wedding destination, Balesin island.
By AEDRIANNE ACAR
A happy Heart.
Enjoy na enjoy ang Kapuso actress at host na si Heart Evangelista sa kanyang trip sa tropical island paradise na Balesin.
Base sa post ng StarTalk host sa kanyang Instagram account, walang-itulak kabigin si Heart sa ganda ng isla kung saan gaganapin ang dream wedding niya with Senator Francis ‘Chiz’ Escudero sa February 15, 2015.
Matatagpuan ang 500 hectares na Balesin island sa Timog Silangang bahagi ng Polilio, Quezon.
Ani Heart, “#day65 #144daystoahappyHEART Today was great #balesinlove”
Sa kuha naman na ito, feeling princess si Heart at game na nag-pose sa harap ng camera sa kanyang pink-themed room.
Mouthwatering din ang inihandang breakfast para kay Heart sa island paradise.
Sa isang panayam kay Heart, ikinuwento nito na plano nila ng kanyang fiancé na mag-Pasko kasama ang mga anak nito sa Los Angeles, California.
Aniya, "Hindi ako dito magpa-Pasko. Sa LA ako, kasi may fitting din ako doon. First time namin na kami lang ng mga bata, 'tsaka si Chiz."
Pero babalik daw siya sa Pilipinas para i-celebrate ang bagong taon with her family.
"Dito ako sa New Year, para at least ‘yung last New Year ko as a single girl, kasama ko naman ‘yung pamilya ko."