
Bukod sa kaniyang madalas na pagtungo sa Paris, nakabili na rin ng apartment doon ang aktres na si Heart Evangelista, kung kaya't ang tanong ng publiko, iiwan na nga ba ng aktres ang Pilipinas upang manirahan abroad?
Sa Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw ni Heart na mananatili pa rin siya sa Pilipinas dahil hindi niya puwedeng iwanan ang mga negosyo nila dito.
Aniya, “Anong gagawin ko naman 'don? [sa Paris] Pa'no ang kabuhayan showcase 'di ba? Hindi ko naman puwedeng iwanan.”
Biro pa ni Heart, “Philippines is my home, pa'no 'yung mga aso ko? Aso ko talaga 'di ba? Siyempre si Chiz [Escudero] pumupunta rin sa Paris, charot nakalimutan, joke lang.”
Paglilinaw niya, “So of course I go back and forth. Manila is my home it's just that Paris is special and there's this saying na, 'All lost artists find their way to Paris,' and I found my way to Paris and I love Paris.”
Isa na rin ngayong fashion influencer si Heart kung kaya't madalas siyang magtungo sa iba't ibang international fashion events na madalas na ginaganap sa Europa.
Sa kanilang panayam ni Boy, nag-demo pa si Heart kung paano ang tamang gawin sa tuwing maglalakad sa red carpet sa harap ng maraming photographers.
“Huwag kang matataranta kasi nakakataranta siya…small calculated steps, maintain lang,” sabi ni Heart sa tuwing siya mag-po-pose sa harap ng camera.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN ANG STYLISH OUTFITS NI HEART EVANGELISTA SA PARIS FASHION WEEK DITO: