
Ilang buwan matapos ang eleksiyon, nakilala na rin nang personal ni Kapuso actress Heart Evangelista si President Rodrigo Duterte.
Ilang buwan matapos ang eleksiyon, nakilala na rin nang personal ni Kapuso actress Heart Evangelista si President Rodrigo Duterte.
Gamit ang kanyang cellphone, ipinasilip din niya sa Presidente ang ilan sa kanyang paintings.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Heart, ngunit base sa iba pa niyang Instagram posts, nagbiyahe siya kasama ang kanyang asawang si Senator Chiz Escudero kamakailan lang. Hindi rin malinaw kung anong lugar ang kanilang pinuntahan at kung ito ay para sa isang bakasyon o opisyal na trabaho.
Katatapos lang ni GMA Telebabad series ni Heart na Juan Happy Love Story. Abala siya ngayon sa paghahanda para sa kanyang art exhibit na gaganapin sa susunod na taon.
MORE ON HEART EVANGELISTA:
WATCH: Heart Evangelista shares a preview of her perfume project
Heart Evangelista reconnects with former classmates through throwback photo