
Matapos ang mahabang panahon, muling makakatrabaho ni Kapuso Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista si Paolo Contis sa I Left My Heart in Sorsogon, kung saan makakasama nila si Richard Yap.
Kuwento ni Heart, perfect si Paolo sa karakter na si Mikoy, ang ex-boyfriend ng kanyang karakter na si Celeste.
“I'm so excited kasi siyempre you have Richard [Yap], and you have Michelle [Dee], and there's Paolo,” pag-amin ni Heart.
“Paolo was really, it was hard to find somebody to play Mikoy, and Paolo's actually the first one na nag-script reading kami parang lahat kami.
“So, I'm excited na nabuo na kami finally kasi na-delay kami in the beginning kasi we needed someone like Paolo, and Paolo showed up.”
Para naman kay Paolo, swerte siya dahil siya ang napili ng programa at ni Heart upang gampanan si Mikoy.
Dagdag niya, “I'm very excited, masaya ako na naka-attend ako doon sa script reading na 'yun. Siyempre sinubukan ko namang galingan para mapili ni Ms. Heart.”
Kilala si Paolo sa pagiging komedyante bilang parte ng longest-running gag show na Bubble Gang pero pinatunayan niya na kaya niya ring magdrama simula noong bumida siya sa pelikulang Through Night and Day.
“For me this is new, sobra, kasi kahit naman 'yung ibang mga ginawa ko kahit sabihin mo ng 'leading man,' pilyo pa rin. So this is something very different,” paliwanag ni Paolo.
“And alam naman natin kung gaano ka-quirky 'yung character ni Heart so it's my job na makasabay sa kanya, more than anything.”
Masaya naman si Paolo na nagkakaroon siya ng mga oportunidad upang mas lalo pang maipakita ang kanyang talento sa pag-arte at siguradong ipapapanood niya 'to sa kanyang anak na si Summer Ayana.
“At least ito 'yung pwedeng niyang (Summer) panoorin kasi 'yung Bubble, hindi niya puwedeng panoorin 'yun, e,”
“At least ito may mapapanood siya, magiging proud siya.”
Kasalukuyan nang naka-hotel quarantine sina Paolo, Heart, Richard at iba pang mga bida ng I Left My Heart in Sorsogon, na mapapanood na ngayong 2021.