GMA Logo Heart Evangelista, Sean Lucas
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista, may hot seat question para kay Sean Lucas

By Kristine Kang
Published July 25, 2026 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

How will US higher tariffs on Philippine goods affect Filipinos?
Rain or shine, ImmuniPlus encourages daily wellness

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista, Sean Lucas


Ano nga ba ang gagawin ni Sean Lucas kung nagparamdam si first love? Alamin ang kanyang sagot dito.

Tila napa-hot seat kaagad si Sean Lucas nitong Sabado (July 25) sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken.

Sa umpisa pa lang ng programa, bigla siyang tinanong ng host na si Heart Evangelista tungkol sa kanyang first love.

"Paano ba 'to? Bigla raw nagparamdam 'yung first love mong ngayon na single ka na ulit? Ano bang gagawin mo? Re-replayan mo ba 'yan o makikita ko na lang sa TikTok 'yan?" tanong ni Heart.

Napangiti na lamang si Sean sa biglaang tanong ng aktres.

"Pero ako, si-seen zone ko na lang," sagot ni Sean.

Maya-maya, ibinalik naman ng actor-host ang tanong kay Heart.

"Kung kinamusta ka biglaan ng first love mo, what would you do?" tanong ni Sean.

"Magre-reply," mabilis na sagot ni Heart habang natatawa.

Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, patuloy na tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!

Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.

Samantala, balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: