GMA Logo Heart Evangelista
Source: Ime85 (TikTok)
Celebrity Life

Heart Evangelista, muling nakita ang pamilyang iniyakan niya noon sa 'Follow Your Heart'

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2024 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista


Emosyonal ang naging reunion ni Heart Evangelista sa pamilya Asuncion na natulungan niya noon.

Muling nakita ni Kapuso Global Fashion Icon na si Heart Evangelista ang pamilya Asuncion na isa sa kaniyang mga nabisita at natulungan noon sa programa niya sa GMA na Follow Your Heart.

Sa TikTok account ni Heart, nag-post ang aktres ng video ng kanilang emosyonal na reunion kasama ang ilan sa miyembro ng pamilya Asuncion.

“After changing numbers and not seeing each other in so long … faith has brought us all back together. It was so nice being with the Asuncion Family,” caption ni Heart sa kaniyang post.

@lme85

After changing numbers And not seeing each other in so long … faith has brought us all back together. 🥹 It was so nice being with the Asuncion Family 🥹🙏🏻

♬ Scott Street (Slowed Down) - Phoebe Bridgers

Nangyari ang kanilang muling pagkikita nang magtungo si Heart sa Marikina City kamakailan upang magbahagi ng mga relief packs sa mga nasalanta ng nagdaang Super Typhoon Carina.

Matatandaan na nag-viral noong 2017 ang episode ng Follow Your Heart tampok ang kuwento ng pamilya Asuncion kung saan nasaksihan mismo ni Heart ang hirap ng kanilang buhay.

Naiyak pa noon si Heart nang ikuwento kung paano pinagkakasya ng pamilya Asuncion ang dalawang lata ng sardinas bilang kanilang pagkain sa isang araw.

Samantala, magaganap naman bukas, July 29, ang contract renewal signing ni Heart Evangelista sa GMA Network.

Para sa iba pang updates, bisitahin ang GMANetwork.com.

RELATED GALLERY: Celebrities help in rescue and relief operations for victims of Typhoon Carina