
Ngayong narito na ang summer at patuloy ang pagtaas ng temperatura, nagbahagi si Kapuso star Heart Evangelista ng ilang paalala para panatiliing ligtas ang ating mga alagang hayop.
"Ang tubig dapat laging naka-stand by, na may yelo," sambit ni Heart.
Mahalagang hindi ma-dehydrate ang mga aso upang hindi sila manghina.
Bukod dito, dapat din na panatiliin ang maayos na temperatura ng kanilang katawan.
"Sa mga certain na time, like mga 12 noon or 2:00 pm, bubuhusan nila, lalo na 'yung mga aso na nasa labas," ayon dito.
"Bubuhusan ng tubig [ang mga aso] kasi usually nangyayari ang heat stroke," dagdag pa nito.
Para sa iba pang tips mula sa iba pang mga Kapuso stars, panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.
LOOK: Heart Evangelista ipinasilip ang taping ng Juan Happy Love Story
LOOK: Heart Evangelista is a modern Filipina on the cover of a fashion magazine