
Ilang Twitter followers ni Heart Evangelista ang nakatanggap ng tulong ngayong enhanced community quarantine.
Dahil sa quarantine na ito para labanan ang COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng kabuhayan. Kaya naman minabuti nilang manawagan sa aktres para humingi ng tulong.
Isa sa mga kanyang natulungan ay si Lolo Bernie na nakatira umano sa barong-barong na sira. Ang panawagan ng isang concerned citizen ang naging daan para makapaghatid ng tulong si Heart.
Ayon sa post ni Heart, "God bless you and thank you for helping me send love to Lolo Bernie."
God bless you and thank you for helping me send love to lolo Bernie ❤️ https://t.co/MBphpV2arg
-- LoveMarie O. Escudero (@heart021485) March 29, 2020
Isang netizen rin na may kasamang pets ang nakatanggap ng tulong mula sa Kapuso star. Saad ni Heart, "Happy you finally got to buy what you guys need."
Happy you finally got to buy what you guys need 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 https://t.co/nZlcVdnMCK
-- LoveMarie O. Escudero (@heart021485) March 28, 2020
Sa dami nang nabigyan ng tulong ni Heart, marami ring tweets ang dumating para pasalamatan ang aktres.
Ani ni @ren85113602, "Natanggap na po ng mama ko ang pera at pinambili na ng gamot. Maraming salamat po sa tulong nyo @heart021485. Godbless u always."
Sagot naman ni Heart, "We are all just instruments of God at this time. God bless you and your family."
We are all just instruments of God at this time 🙏🏻God bless you and your family ❤️ https://t.co/Lpm4KwC2OH
-- LoveMarie O. Escudero (@heart021485) March 26, 2020
Isa ring follower ni Heart ang nagpasalamat dahil sa tulong ng aktres para maibili ng gamot ang kanyang ama.
Tweet ni @DaluzArlyn, "@heart021485 super duper thank you po ms. Heart super laking tulong. nakabili na po kami ng gamot nang papa ko at nakapag parefill na po ng oxygen nya.
We are just instruments of God🙏🏻 https://t.co/cGRTW2So8W
-- LoveMarie O. Escudero (@heart021485) March 27, 2020
Dagdag pa niya ang isang hiling para sa Kapuso star, "always good health po sau and godbless sana po marami pa po kaung matulungan."
Heart Evangelista, siniguradong makakarating ang tulong sa Sorsogon
IN PHOTOS: Celebrity couples na tumulong sa COVID-19 crisis