
Nais tawagin ni Heart na 'In Full Bloom' ang kanyang 2017 art exhibit.
Puspusan na ang paghahanda ni Kapuso actress Heart Evangelista para sa exhibit na nais niyang itanghal sa 2017.
Nakatapos na siya ng isang malaking painting na puno ng bulaklak.
Agad namang sinimulan ni Heart ang panibagong painting na pansamantala niyang tinawag na Tres Marias.
Ibinahagi rin niya ang kanyang progreso sa pagpipinta nito.
In Full Bloom ang balak niyang gawing pamagat sa kanyang 2017 exhibit.
???????Mula 12 hanggang 15 paintings ang kailangang matapos ni Heart para makabuo ng isang exhibit. Bukod dito, kailangan din niyang magdaos ng isang exhibit bawat taon, sa loob ng limang magkakasunod na taon para makapag-iwan ng marka sa larangan ng sining.
MORE ON HEART EVANGELISTA:
Heart Evangelista's favorite painting
What inspires Heart Evangelista to paint?