
Ibinahagi ni Heart Evangelista ang tungkol sa kanyang advocacy na pag-adopt ng Aspin o asong Pinoy kay Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Bilang Amazing Earth hero, ibinahagi ni Heart kung kailan nagsimula mamulat ang kanyang mata tungkol sa mga Aspin.
Ani ni Heart, "We had a place in Carmona Cavite, and then madaming mga aso na kinakatay sa labas.
“Since we had aspins, sobrang shock for us na makarinig ng asong kinakatay. That's when namulat yung mga mata namin."
Pagpapatuloy ni Heart, naging gabay rin niya ang kanyang ama na si Reynaldo Ongpauco.
"As I got older, my dad will also tell me na ganito ang nangyayari.
“So, I started to become very active with PAWS [The Philippine Animal Welfare Society], and aside from PAWS I would also foster on my own."
Ibinahagi rin ni Heart na ang kanyang alagang si Panda ay gusto niyang maging halimbawa na dapat bigyan rin ng pagmamahal at pag-aalaga ang mga Aspin.
"'Pag sinabi mong askal, parang madumi, may rabies or nangangagat.
“We had to change the mentality by giving her a good life and showing people na she deserves a really nice collar, too, or she deserves a nice blanket.
“It changes the way people think. 'Pag nakita nila 'yung aso, ang ganda ng aso parang 'di askal.
“That's the thing, it's an aspin, and 'pag napaliguan 'yan and naaalagaan, gaganda rin sila like any other dogs."
Panoorin ang kabuuan ng kuwentuhan nina Heart at Dingdong sa Amazing Earth.