GMA Logo Heart Evangelista relief operations for typhoon kristine victims in Batangas
Celebrity Life

Heart Evangelista, namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Batangas

By Jansen Ramos
Published November 6, 2024 4:34 PM PHT
Updated November 6, 2024 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista relief operations for typhoon kristine victims in Batangas


Pinangunahan ng Kapuso star at Senate Spouses Foundation, Inc. president na si Heart Evangelista ang isang relief operation kamakailan sa Mabini, Batangas na hinagupit ng Bagyong Kristine.

Namahagi kamakailan ang Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) ng pangunang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa bayan ng Mabini sa Batangas sa pangunguna ng presidente nitong si Heart Evangelista.

Sa gitna ng kabi-kabilang brand engagements at iba pang commitments ng fashion icon, nakibahagi si Heart Evangelista sa pagbibigay ng relief goods sa isang humanitarian project ng nasabing organisasyon.

Ipinost ni Heart World star sa kanyang Instagram account ang ilang litrato mula sa kanilang relief operations, kasama ang iba pang officers ng SSFI gaya nina incumbent Cavite District 2 Representative Lani Mercado-Revilla, maybahay ni Senator Ronald "Bato" dela Rosa na si Nancy Dela Rosa, at DSWD Undersecretary at asawa ni Senator Mark Villar na si Emmeline Aglipay-Villar. Naglunsad din sila ng relief operations sa mga bayan ng Talisay at Laurel sa Batangas.

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Nakikisimpatya si Heart Evangelista sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo at nangakong magpapaabot ng tulong sa mga kababayan nilang nangangailangan.

Wika ng First Lady ni Senate President Francis "Chiz" Escudero, "Kami po sa SSFI ay may binitiwang pangako na sa abot ng aming makakaya ay aalalay at tutugon kami sa ating mga kababayang nangangailangan.

"Nandito po kami ngayon at tumutugon sa inyong kalagayan, pansamantala man lamang ang maihahatid naming tulong, sana po sa pamamagitan nito ay malaman ninyo na hindi kayo nag-iisa sa inyong dinaraanan ngayon.

"Sa inyo pong lahat na dumadaan sa pagsubok mula sa matinding pinsalang iniwan ng bagyo, nasa likod niyo po kami, nasa inyo po ang aming panalangin at pagsuporta sa inyong agarang pagbangon at pagkukumpuni ng inyong mga buhay."

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Itinalaga bilang president ng SSFI si Heart Evangelista noong June 5, 2024. Kabilang din sa mga officer nito ang TV host na si Mariel Rodriguez, asawa ni Senator Robin Padilla.

Ang SSFI ay isang organisasyon na nagsasagawa ng socio-civic activities at iba pang humanitarian projects. Binubuo ito ng asawa, anak, at iba pang kaanak ng mga opisyal ng senado.