GMA Logo heart evangelista and pia wurtzbach
What's on TV

Heart Evangelista, nanawagan sa fans nila ni Pia Wurtzbach na huwag nang mag-away

By Jansen Ramos
Published October 23, 2024 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

heart evangelista and pia wurtzbach


Hiling ni Heart Evangelista sa kanilang fans ni Pia Wurtzbach na huwag nang mag-away away sa social media dahil mas maraming tao na ang nasasaktan.

Sa unang pagkakataon, nagbigay ng reaksyon si Heart Evangelista sa gitna ng isyu na umano'y kompetisyon nila ni Pia Wurtzbach.

Sa media conference ng bagong show ng Kapuso star na Heart World, nagbigay siya ng mensahe sa beauty queen. "I wish you nothing but the best and good luck. Sana, sana hindi mangyari sa'yo 'yung nangyari sa akin," ika ni Heart.

Nag-ugat ang umano'y hidwaan nina Heart at Pia dahil sa paglipat ng dating makeup artist at hairstylist ni Heart, na nakasama niya ng maraming taon, sa glam team ni Pia.

Hindi man direktang ibinahagi ni Heart ang rason ng falling out nila ng kaniyang dating glam team, pero nasasaktan pa rin daw siya hanggang ngayon sa kinahinatnan ng kanilang magandang samahan noon, na isa lamang sa mga maipapakita ni Heart sa bago niyang reality show.

"I don't want to down anyone just so they kind of get the story, 'di ba? But definitely it's not about pointing fingers at enemies. It's a self-reflection about my mistakes," ani Heart sa panayam ni Nelson Canlas para sa "Chika Minute" report nito sa 24 Oras noong Martes, October 22.

Sa limited series na Heart World, handa na si Heart na i-expose hindi lang ang masasaya niyang karanasan, kundi maging ang mga pagsubok na pilit niyang nilagpasan.

Dahil kinailangan niyang talikuran ang ilang tao na naging parte na ng kaniyang buhay, napag-aralan na rin daw niyang mag-move on.

Aniya, "I believe in love. I really truly believe in love and I feel like even for me being vulnerable, for me being angry, it's just because I just love very passionately, and I would like to fight for everybody in my life."

Dugtong niya, "Siguro ganito na lang 'yun kasi mababaliw ako kakaisip, ang tatandaan ko na lang is 'yung mga taong minahal ko noong mga time na 'yon, 'yun lang. 'Di ko iisipin kung ano sila, kung ano talaga sila ngayon, 'di ko binabasa kung ano man 'yung nasasabi online but I will try to cherish the times that I thought mahal nila ako. I have to learn to slowly unlove them and that's painful for me."

Nanawagan din si Heart sa kanilang fans ni Pia na huwag nang mag-away away sa social media dahil mas marami ang nasasaktan kapag pinagsasabong sila ng mga tao.

"Suportahan na lang nila. Parang I stay on my lane, let everybody just do their thing and 'wag na sila mag-away away. Nakakasakit pa kayo lalo.

"Lahat-lahat, ceasefire. Nangyari na 'yung nangyari. Ayan na siya, from here I just move on."

TV comeback ni Heart ang bago niyang show sa GMA na Heart World matapos ang dalawang taon. Ag Kapuso drama romance series na I Left My Heart in Sorsogon ang huling ginawa niyang proyekto sa telebisyon.

Mapapanood ang Heart World tuwing Sabado, simula ngayong October 26, 9:30 ng gabi sa GMA at Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG PHOTOS MULA SA MEDIA CONFERENCE NG HEART WORLD SA IBABA: