
May bagong sorpresa si Kuya sa Kapuso at Kapamilya housemates at viewers ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ito ay ang pagdating at pagbisita ng kilalang Filipino celebrity at fashion icon na si Heart Evangelista sa Bahay Ni Kuya
Kaugnay ng inilabas na posters ng GMA, ABS-CBN at ng programa sa social media tungkol dito, nagsimula nang pag-usapan ng viewers at fans ang pagiging houseguest ni Heart.
Ayon sa ilang netizens, excited na sila at hindi nila palalampasin ang bawat eksena ng Kapuso sa loob ng iconic house.
Ano kaya ang tasks na matatanggap ni Heart mula kay Big Brother?
Mapapalapit din ba siya sa celebrity housemates?
Samantala, bago ito, kabilang sa bigating celebrities na bumisita sa Bahay Ni Kuya sa bago nitong edition ay sina Charo Santos-Concio at Dingdong Dantes.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 10:05 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
RELATED CONTENT: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'