What's on TV

Heart Evangelista, pinaiyak si Thia Thomalla?

By Racquel Quieta
Published October 19, 2021 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

thia thomalla and heart evangelista


Bakit nga ba naiyak si Thia Thomalla dahil kay Heart Evangelista nang minsan maging guest ang huli sa 'Glow Up?'

Kinumpirma ng Glow Up host at First Yaya actress na si Thia Thomalla na totoong minsan siyang napaiyak ni Heart Evangelista sa taping ng Glow Up.

Nangyari ang pag-amin ni Thia sa segment ng Mars Pa More na Tarantanong.

Nang tanungin si Thia ng hosts na sina Iya Villania at Camille Prats, inamin nitong naiyak nga siya nang minsang maging guest nila ang I Left My Heart in Sorsogon star sa kanilang programa.

Pero paglilinaw ni Thia, ay may mabigat talaga siyang pinagdadaanan noon bago pa siya dumating sa taping.

“Ang nangyari kasi, nag-taping kami for 'Glow Up,' and I lost my brother a few hours before the taping,” kuwento ni Thia. “And they were actually shocked bakit ako pumunta ng taping. Wala naman kasi akong kasama sa bahay, so I just went.”

Ayon kay Thia kaya raw siya naiyak kasi naghalo na ang lungkot mula sa pagpanaw ng kanyang kapatid at ang sobrang tuwa niya ang iniidolo niyang si Heart.

“And I didn't know na si Heart pala 'yung guest namin. So, ang daming mixed emotions…nakakatuwa kasi first time kong ma-meet si Heart and sobrang bait niya sa 'kin.

“And when she entered the room, umiyak lang ako kasi parang I knew na despite the struggles in life, may masaya pa ring nangyayari.”

Dagdag pa niya, kinausap pa siya ni Heart noong taping kaya sobra ang kilig at tuwang naramdaman niya noon.

“And then ayun, nag-usap kami then she comforted me. (Giggles) Tapos kilig na kilig ako. 'Yan umiiyak tuloy ako.”

Panoorin ang pagtatagpo nina Heart Evangelista at Thia Thomalla sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Tingnan ang ilang Filipino celebrities na minsan nang na-meet ang kanilang international idols.