
Inamin ni Heart Evangelista na naging shopaholic siya for three years.
Kuwento ni Heart sa Sarap, 'Di Ba? nagsimula ang lahat noong naging financially independent siya.
"Before, I used to shop a lot. I will admit. Kasi for the longest time na nagtatrabaho ako, my mom is someone holding my finances. It was just recently, when I was 27, that I started to hold my money."
Simula umano nang nakita niya na ang kanyang sariling earnings, doon siya nagsimula mamili nang mamili.
"Parang medyo nagwala ako, doon ako bumili ng mga bag parang ganyan. It went on for mga 3 years."
Doon siya pinayuhan ng kanyang asawa na si Governor Chiz Escudero na pag-isipan ang kanyang mga binibili.
"Sinabi na ng asawa ko na hindi 'yan balon, mauubos at mauubos ka. It's time for you to be practical and be realistic. From that, na-experience ko na, na-enjoy ko na, but now I'm really practical with my money and into reusing what you have."
Sarap, 'Di Ba?: Get to know Heart Evangelista as Sorsogon's first lady