
Mainit na usaping mag-asawa ang tinalakay nitong weekend sa masayang game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.
Noong Sabado, August 1, humarap ang People at mga celebrity pair sa tanong na: "Mas pipiliin mo ba ang asawang: maraming bisyo pero masipag o walang bisyo pero tamad?"
Para sa Team MIKWILL (Mika Salamanca at Will Ashley), ang "walang bisyo pero tamad" ang napulsuhan nilang sagot ng People.
Habang ang Team EDSHAI (EA Guzman at Shaira Diaz), "maraming bisyo pero masipag" ang kanilang sagot.
"Pero 'yung asawa ko ay wala siyang bisyo. Hindi siya mabisyo. Masipag po," patawang paglilinaw ni Shaira Diaz.
Para naman kay celebri-peep Janeena Chan, mas gugustuhin niyang walang bisyo pero tamad ang kanyang asawa.
"Importante kasi 'yung foundation. Kaya doon ako sa walang bisyo pero tamad... for now. Tatlo lang ang pangontra diyan. Number one, motivation. Number two, direction. At number three, incentives," paliwanag niya.
Samantala, iba naman ang piniling sagot ni James Caraan.
"Wala namang sinabi kung ano'ng bisyo. Malay mo, ang bisyo ay trabaho!," aniya.
Sang-ayon naman si Heart Evangelista na mas mainam piliin ang asawang maraming bisyo pero masipag.
"Ang tamad, tamad kahit anong mangyari. Ang hirap kasama kapag pabigat 'yung tao. Ako may bisyo ako. Bisyo ko shopping, pero kung magtrabaho ako, nahihimatay, naoospital-- everything, para mabili ko 'yng gusto ko. So wala naman akong sinasaktan nang dahil do'n. So agree ako doon. Tamad is tamad. X 'yun sa akin," sabi ni Heart.
Sa naturang round, nagwagi ang Team EDSHAI na may 86% votes mula sa People.
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: