GMA Logo Heart Evangelista on tiktok
Source: Ime85 (TikTok)
Celebrity Life

Heart Evangelista, sinagot ang tanong ng netizen: 'Paano umutot ang sosyal?'

By Jimboy Napoles
Published April 28, 2024 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
Saudi-backed head of Yemen's presidential council tells UAE to leave
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista on tiktok


“May kanal humor din pala si Heart,” reaksyon ng isang netizen sa TikTok video ng Global Fashion Icon.

Bukod sa kanyang mga fashion event na pinupuntahan, tila active na rin ngayon si Kapuso star at Global Fashion Icon Heart Evangelista sa paggawa ng short content sa kanyang TikTok account.

Sa katunayan, game na gumawa ng “tutorial video” si Heart para sa isang netizen na nagtanong sa kanya ng “Kapag po umutot 'yung sosyal paano?”

Sa isang TikTok video idinaan ni Heart ang kanyang kuwelang response sa tanong ng fan. Makikita sa video ang pagde-demonstrate ni Heart kung saan pasimple siyang nag-spray ng pabango sa kanyang katawan at sa kaniyang paligid matapos siyang kunwaring “nagpasabog.”

Mapapanood pa sa first part ng video na tila natatawa pa si Heart sa tanong ng netizen.

“Eto na po sagot,” caption ni Heart sa kanyang video.

@lme85 Replying to @Kysia Lyka Lim Macas ♬ GEORGE VILORIO x SAMANTHA JONES x SCARDOW - ✮

Maraming netizens naman ang natuwa at naka-relate sa video ni Heart.

"May kanal humor din pala si Heart,” reaksyon ng isang netizen.

“Ang mahal nyo naman po umutot, imagine magkano isang wisik ng perfume mo [laughing emoji],” komento naman ng isang fan.

Hindi naman ito ang unang beses na nagbigay good vibes si Heart sa TikTok dahil kamakailan lang ay gumawa rin siya ng video tungkol sa “Rich girl laugh.”

@lme85 Replying to @Liah ♬ original sound - Heart Evangelista

“Hindi ko naman sinasabing rich ako, pero kung bet mong magpanggap, why not? Dapat bilang,” payo ni Heart.

Sa ngayon umabot na sa mahigit 7 million ang followers ni Heart sa TikTok habang nasa 63.1 million likes na ang kaniyang mga content.

RELATED GALLERY: Heart Evangelista's throwback photos that inspire nostalgia