
Napa-"sana all" na lang ang fans at followers ni Heart Evangelista nang makita ang ID photo niya sa Instagram.
Noong nakaraang araw, ipinasilip ng actress-fashion icon na si Heart ang passport-size photo niya sa Instagram na may simpleng caption na, "Adulting."
Sa ngayon, umani na ang post na ito ng mahigit 230,000 likes at mahigit 700 comments.
Kabilang sa mga nagkomento ang kapwa niya celebrities tulad ni Bea Alonzo, na nagsabing, "Ganda pa rin! [crying emoji]"
Gayundin si Francine Garcia na nagkomento, "Pati ID pic perfect huhu [heart emoji]."
Samantala, ilang fans naman ang nagsabi na tila hindi tumatanda si Heart dahil sa kanyang kagandahan.
Sabi sa isang comment, "Bampira ka cguro noh?? Saan buh magpakagat? I want to be young-looking forever too!!!"
Mayroon din tila nainggit dahil kitang-kita ang ganda ni Heart sa kanyang photo ID, na kadalasan ay hindi nangyayari sa iba.
Sabi ng isang nag-comment, "Bakit un ID/2x2 picture nya mukhang yayamanin at ang ganda pa rin. Bakit kapag ako halos lahat ng pinahid ko sa mukha ko para maging maganda ung ID picture ko mukhang Ewan pa rin kinalabasan."
SAMANTALA, TINGNAN MGA LARAWANG ITO NI HEART PARA SA INYONG SUMMER OUTFIT INSPIRATION: