
Napa-real talk ang mga celebrity at People sa isa sa mga tanong ng GMA Comedy original game show na 'The People Have Spoken.'
Nitong Sabado (August 15), humarap ang lahat sa tanong na: "Kuntento ka ba sa katayuan mo sa buhay ngayon?"
No filter, parehong sagot ng Team JANELLI (Janice at Gelli de Belen) at Team VISHER (Vina Morales at Sheryl Cruz) na "Yong totoo: hindi eh!"
"Mahirap ang buhay. Lumalaki 'yung gastos. So ang nangyayari, parang you don't have enough for ipon and to spend on yourself. Kasi lahat napupunta sa necessity," paliwanag ni Janice.
READ: Janice at Gelli de Belen, naniniwala ba sa second chance sa pag-ibig?
Samantala, sang-ayon si Heart Evangelista sa sagot ng celebrity pairs. Para sa kanya, bahagi rin ng buhay ang patuloy na pangangarap at pagkakaroon ng ambisyon.
"Minsan kasi sa buhay mo, ito 'yung hinahanap mo ngayon. Successful ka, okay. Meron ka na. Pero parang minsan may mga gusto ka pang marating, and I don't think that's bad na may gusto ka pa at may ambisyon ka pa," ani Heart.
"Especially, 'pag iniisip mo 'yung days na you know mag-isa ka na lang, you're old and gray. Gusto ko na hindi ako maging pabigat. So meron akong gustong marating sa buhay ko na alam kong talagang kaya kong tumayo na mag-isa at kaya ko din tumulong sa iba na maluwag sa akin dahil may hawak akong sapat."
READ: Heart Evangelista at Joy Barcoma, may opinyon sa pag-post ng outreach initiatives
Kaya naman ang payo ng Kapuso host ay magpatuloy sa pangangarap.
"So for me, dream big, keep going, never give up. 'Wag kayong ma-relax," dagdag niya.
Patawang sumang-ayon din ang celebri-peep pair na sina Joy Barcoma at Baus Rufo, na tila may hugot pa sa kanilang sagot!
"Eh paano hindi magiging masaya sa buhay eh wala ka pang masyadong pera? Wala ka pang bago cellphone, wala ka dagdag sa sahod natin, wala kang bagong kotse, wala pa tayong bagong bahay, wala kang tulog, wala ka rin pahinga, walang gustong pumansin sa'yo, at wala ka rin pambayad na dagdag bill sa kuryente, at higit sa lahat, wala ka pang jowa!" hirit nila.
Ngunit sa round, bigo ang dalawang pares dahil mas marami ang bumoto ng "Sakto lang" na may 40% votes. Samantala, 37% ang bumoto sa "yong totoo: hindi eh!" at 23% sa "kuntento naman."
Subaybayan ang 'The People Have Spoken,' tuwing Sabado 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.
Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.
Balikan ang buong episode ng 'The People Have Spoken' noong Sabado (August 15):