
Hindi makapaniwala ang Global Icon na si Heart Evangelista na maging sa Indonesia ay marami ang nakakakilala sa kanya at bumuo ng fanbase.
Napatunayan niya ito nang dumalo siya sa isang high jewelry event sa nasabing bansa dalawang taon na ang nakalilipas kung saan dinumog siya ng fans para makapagpakuha ng litrato sa kanya.
Kwento ng Sparkle assistant manager na si Ira Lesaca sa limited reality series ni Heart na Heart World, maging sila ay nagulat dahil sa mainit na pagtanggap ng Indonesians sa Kapuso star.
"So no'ng pumunta kami sa Tiffany, overwhelming. There were like five celebrities, parang naging meet-and-greet niya. Nagbiro pa 'yung regional director na you have to buy before you can take a picture with Heart, so the girls bought.
"Kahit ako, alam mo 'yung stage mom feeling na every time you get to see her na parang nawala siya sa crowd kasi nadumog talaga na parang asan na siya? Tapos nakita mo siya, nagpi-picture with fans."
Pagbabalik-tanaw ni Heart, tinotoo ng ilang Indonesian fans ang biro at bumili ng luxury items na milyon ang halaga para makita siya nang malapitan at makapagpakuha ng litrato kasama siya.
Aniya, "High jewelry din 'yung binili nila para makapag-picture so naloka ako. So the PR himself on that event, siguro, naloka din siya and madami din at that time um-attend sa event na 'yon but came from other places in Indonesia."
Sa nasabing event ng Tiffany din nakilala ni Heart ang owner ng Indonesian luxury brand na Vone World na isa rin palang avid supporter ng GMA artist. Nagpahayag ito ng interes na maka-collaborate ang style icon para sa isang bag collection.
Kuwento pa ni Ira, "This owner kasi is actually a fan of Heart na, so when finally we have a common friend, na-meet ko lang din siya during the first Indonesia trip and then we got to message each other and talagang ang pinapakuha si Heart. And just to share, ang kalaban niya is a famous Thai actress, celebrity for Vone. E ang gusto talaga ni madam, si Heart talaga."
Mamahalin ang presyo ng nasabing bag collection dahil sa kalidad at materyal na ginamit para rito kaya hindi maiwasan ni Heart na mangamba kung magiging successful ito.
Ani Heart, "Nong nakita ko 'yung bag in person, sobrang ganda ng quality and super high class. Natakot nga ako, sinong bibili nito? Parang ang mahal? Parang nagre-range ito from 16 to 80 to a hundred thousand type kasi super mga high end clutch bags."
Wala pa mang 24 oras, ibinalita na kay Heart na sold-out agad ang bag collaboration niya with Vone World.
"Yung owner mismo nagsabi na almost all stocks are sold out so their problem now is to reproduce. Sabi ko naman, it's a good problem," sabi ng Sparkle assistant manager na nagma-manage kay Heart.
Sabi pa niya, "There's another collaboration with them because the turn out is so good na kailangan nilang sundan."
Panoorin ang episode ng Heart World sa video sa itaas.