
Ibinahagi ng hair stylist na si Jeck Aguilar ang pinagdadaanan ni Heart Evangelista matapos makatanggap ng negative comments sa social media.
Ayon kay Jeck, hindi kailangang magbitaw ng masasakit na salita dahil lamang sa hindi nakikita ng mga tao ang pagtulong ni Heart.
"Just because hindi niyo nakikita yung pagtulong niya grabe yung panlalait niyo kay HEART."
Nilinaw ni Jeck na simula February ay nag-organize na umano si Heart ng donations para sa mga taong lihim niyang sinusuportahan.
"Just so you know guys since last month pa siya nagorganize ng mga donations niya from boxes of face mask, alcohol and bottles of vitamin C wala pa yan sa mga random people na tinutulungan niya secretly," sabi ng celebrity hair stylist.
Ayon pa kay Jeck, nakadudurog ng puso na makita ang reaksiyon ni Heart matapos siyang batikusin dahil sa sa kanyang comment.
Nakatanggap si Heart ng batikos dahil sa kanyang comment tungkol sa isang bone cancer patient na si Cynthia EspIritu na apektado ng enhanced community quarantine.
Sa huli ay humingi rin ng tawad si Heart sa kanyang mga nai-post sa social media.
"NAKAKADUROG lang ng puso makita siyang
halos nanginginig at umiiyak ngayon. Dahil lang sinabi niyang in so many words “NAGAWA PA NI CYTHIA NGUMITI SA KABILA NG HIRAP NG PINAGDAANAN NIYA SA PAGALALAKAD UPANG MAKATAWID PAPUNTANG HOSPITAL PARA SA KANYANG CHECKUP”.
Humingi ng pasensya si Jeck dahil hindi niya napigil ang sarili na ipagtanggol si Heart.
"Pasensya na pero hindi ko mapigilang magsalita at ipagtanggol si 'HEART EVANGELISTA' kasi alam ko ang hinahangad ng puso niya ay ang ikabubuti ng nakararami na walang hinihintay na kapalit."
"Kung alam niyo lang ang buong katotohanan. Baka pati ang mga puso niyo madurog sa mga pinagsasabi niyo. Kaya sana sa mga panahong tulad nito we should be mindful of each others doing."
Pagtatapos ni Jeck, "SPREAD THE LOVE NOT HATE "