
Hindi napigilang maluha ng loyal personal assistant ni Heart Evangelista na si Resty Rosell sa November 16, 2024 episode ng reality series ng Global Icon na Heart World.
Nasa 20 years nang nagseserbisyo si Resty, na kung tawagin ni Heart na "Ate Resty," sa 39-year-old celebrity.
Naging kaibigan na rin siya ni Heart kaya naman naging sentimental siya nang pag-usapan niya ang relasyon nila ng kanyang alaga.
Kasama na ni Heart si Resty noong 18 years old pa lamang ang aktres.
Ani ng PA ng Kapuso star, "20 years na kaming magkasama. Naku, grabe, working with 'Ganda,' tinuring kang family."
Ayon kay Heart, naging loyal ito sa kanya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya sa buhay.
"She knew who I was. She's also like a good compass kung tama ba 'tong nagawa ko o hindi," ika ni Heart.
Tagapagtanggol din si Ate Resty ni Heart sa tuwing may kontrobersiya itong kinakaharap.
Malaki ang utang na loob ni Heart sa kanyang PA kaya naman lagi niya itong inaalala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mamahaling regalo para ipakita kung gaano ito kahalaga sa kanya.
Kamakailan lang ay binigyan niya ito ng isang Hermes bag bilang Christmas gift.
Nakatanggap din si Ate Resty ng mga designer bag mula sa kanyang alaga.
SAMANTALA, KILALANIN ANG LOVING YAYAS AT PERSONAL ASSISTANTS NG ILANG ARTISTA DITO: