What's Hot

Heart Evengelista clarifies issue with Genesis about her transfer to GMA-7

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 8, 2020 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



A few days after signing a two-year exclusive contract with GMA Network, Heart Evangelista made her first live appearance as a Kapuso on Showbiz Central.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. A few days after signing a two-year exclusive contract with GMA Network, Heart Evangelista made her first live appearance as a Kapuso on Showbiz Central last April 27. Pag-upo ni Heart ay tinanong na agad siya ng Showbiz Central co-host na si Raymond Gutierrez kung ano ang nararamdaman niya ngayong Kapuso na siya. "Sobrang excited, sobrang... I'm so excited to work! There's so many good projects that GMA is gonna give me. And I'm just so grateful yung welcome ng lahat, it's so nice," masayang sabi ni Heart. starsPagkatapos nito ay in-explain ni Heart kung bakit nagdesisyon siyang lumipat sa GMA-7 after being absent from the scene for quite some time—"three years on and off." "I want to clear this out, I'm very grateful to ABS," simula niya. "I've been with them all my life, but it's just, you know, there's a time in your life where it's time for you to move on, work with new people... Of course, the offers [of GMA-7] were really like ‘Wow!' Sobrang gaganda ng mga offers. Sobra, sobra!" Anu-ano naman ang mga reaksiyon na natanggap ni Heart sa kanyang paglipat ng TV network? "Wala pa naman akong naririnig na negative comments, puro magaganda," sabi ng young actress. "Maraming taong nagsasabi na ‘I'm very happy for you. This is good for you. Good career move.' So, maayos naman ang lahat. And I think it's meant to be." ISSUE WITH GENESIS. Sa kabila ng pahayag na ito ni Heart ay may lumabas na report na hindi nagustuhan ng dati niyang manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano ng Genesis Entertainment ang paglipat ng young actress sa Kapuso network, pati na sa bagong management team niya. Matatandaang si Angeli ang naging manager ni Heart nang lisanin niya ang Star Magic ng ABS-CBN. Ngayon, ang ama ni Heart na si Mr. Reynaldo Ongpauco at si Annabelle Rama ang magkatulong na namamahala ng career ng young actress. "Tita Angeli is very close to my heart," sabi ni Heart. "Tinulungan niya ako nung mga times na wala dun yung parents ko, wala yung mga kaibigan ko. Talagang tinulungan niya ako diyan. I'm very, very grateful that she was there. "We knew na darating yung araw na babalik din ako sa parents ko, so kinausap din naman siya ng mom ko. Pumunta dun yung mommy ko sa office ng Genesis at plantsado ang lahat. I'm sure she's very happy. This is what she wanted." Ayon sa isang report, hindi nasabihan si Angeli tungkol sa planong paglipat ni Heart sa GMA-7 at pakiramdam ng misis ni Gary Valenciano ay nabastos siya sa nangyari. Nagkapalitan din daw ng masasakit na text messages sa pagitan ni Angeli at ng kampo ni Heart. Isa raw sa mga text messages na ipinadala ni Angeli kay Heart ay ito: "What your parents did to Genesis and ABS-CBN will go down as the lowest of ethics in order to strike a good deal." Ano ang reaksiyon dito ni Heart? "You know, with Tita Angeli, we're close friends. We talk about certain things, pero I'm not gonna say anything about that because that's between the two of us. Nakalabas siya [text messages], pero, you know... Para kong mom si Tita Angeli. So it's very constructive, hindi siya masama. Para lang sa ikabubuti ng lahat... It's not hard to let go kasi handa naman siya, pero siyempre napamahal na rin ako sa kanya...." BACK TO HER PARENTS. Marami ang nagsasabi na ang boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales ang dahilan ng tatlong taong alitan sa pagitan ng young actress at ng kanyang mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco. Pero nilinaw ni Heart ang bagay na ito. "You know, noong time na ‘yon, sinasabi ko sa inyong lahat, e, medyo nagrerebelde lang ako. Kasi, you know, it's a transition, nagdadalaga ako and stuff. E, nagkataon lang talaga na si Jericho yung boyfriend ko ng time na ‘yon. So parang it was hard for them [her parents] to accept na may boyfriend ako and stuff. "Pero hindi talaga siya [Jericho] ang dahilan kung bakit kami nag-away," giit ni Heart. "It's more na hindi nila ma-accept na gusto ko nang maging independent. Talagang grabe yung away namin. Three years kong hindi nakita yung daddy ko. That's why ngayon, ginagawa ko lahat para sa parents ko para maging masaya sila, para makabawi ako sa lahat ng mga ginawa ko. You know, if my family is happy, I am happy. That's what I think now." Gaano kahirap para kay Heart ang tatlong taong alitan nila ng kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ama? "Sobrang hirap!" sambit niya. "Tinatawagan ko sila, tapos ‘pag Christmas, hindi nila sinasagot, binababaan nila ako ng telepono. Lahat! Pero isang araw, dumating na lang, I just woke and I said I have to go to my dad. So nandun ako ng lunch time hanggang mga 10 pm, walang ginawa ang daddy ko kundi [sermunan ako]. Pero okey lang ‘yon, I deserved it." Ano ang nag-udyok sa kanya na makipag-ayos sa parents niya? "Because, you know, with teenagers, sometimes you feel na kalaban n'yo yung parents n'yo. But, you know, they only want what's best for you. I mean, with my dad, so much time was wasted... Nung nakita ko siya ulit, you know, wow, parang nagsisi ako na hindi ko siya nakasama nung mga birthdays ko, ganyan. So I'm just happy that we're okay now. Even if there are some things I don't understand, pikit-mata na lang, I know my parents want the best for me." Ano naman ang maipapangako niya sa kanyang mga magulang ngayong nagkaayos na sila? "Bago ako mag-react sa isang bagay, iintindihin ko muna yung sinasabi nila. Siguro naman I learned my lesson. I want through a lot, nag-age ako ng 10 years dun sa mga pinagdaanan ko... I know they want the best for me. I will understand even if it's hard, I will understand," pahayag niya. Sa huli ay nagbigay si Heart ng mensahe para sa kanyang mga magulang. "Thank you so much for forgiving me. Thank you so much for putting good things in my head, bringing me up well. I owe everything to you, the way I speak, the way I dress up, the way I think, the way I choose things in my life, it's all because you guys brought me up well. Maraming-maraming salamat na nandiyan kayo. Sana ngayon magiging masaya na talaga tayo. I love you very much." RELATIONSHIP WITH ECHO. Pinalinaw rin ni Raymond kay Heart ang totoong estado ng relasyon nila ni Jericho. May balita kasing break na sila at meron ding nagsasabi na cool off na sila. Ano ba ang totoo rito? Natawa muna si Heart bago sumagot. "You know, si Jericho nasa Malaysia, I'm here in the Philippines, busy din ako. I'm going to do a soap with Richard [Gutierrez]. Right now, we're just doing our own thing. Yung career namin, inaasikaso namin." Patuloy ni Heart, "Kung magkita kami, magkikita kami. Pero I think matagal pa siya doon... More than two months yata siyang nandoon. Pagbalik niya, busy din siya, busy din ako. So, aayusin na lang namin, bahala na... Kung magkita kami, magkita kami. Kung hindi, then we'll just miss each other. But it's career first now. And I'm very excited to work with Richard and I'm excited to work on that soap." Speaking of Richard, personal na winelcome ng young actor si Heart sa Kapuso Network nang sinorpresa niya ang young actress sa Showbiz Central kahapon with his live appearance pagkatapos ng kanyang VTR message para sa dalaga. Ipinangako ni Richard na mag-e-enjoy si Heart sa GMA-7 at siguradong aalagaan niya ang kanyang bagong leading lady. Next week ay lilipad sina Heart at Richard patungong Dubai para sa ilang mahahalagang eksena ng kanilang pagsasamang teleserye, ang Asero.