GMA Logo David Licauco, Julie Anne San Jose, and Edgar Allan Guzman in Heartful Cafe
What's on TV

Heartful Café: Ace at Uno, parehong nanliligaw kay Heart | Week 7

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 15, 2021 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco, Julie Anne San Jose, and Edgar Allan Guzman in Heartful Cafe


Balikan ang nangyari noong nakaraang linggo sa 'Heartful Café.'

Noong nakaraang linggo sa Heartful Café, nagbalik na sa Pilipinas si Uno (Edgar Allan Guzman), ang ex-boyfriend at orihinal na partner ni Heart (Julie Anne San Jose) sa Heartful Café.

Dahil dito, nagkaroon tuloy ng kompetisyon sa pagitan nila ni Ace (David Licauco), ang bagong business partner ni Heart.

Hindi makaporma sina Uno at Ace kay Heart kaya naman nanghingi na ito ng tulong sa mga trabahador ni Heart sa café na sina Mars (Ayra Mariano) at Roco (Victor Anastacio).

Team Uno si Mars samantalang Team Ace naman si Roco.

Dahil sa nangyayari, nagkaroon naman ng gentlemen's agreement sa pagitan nina Ace at Uno na hindi muna nila ipagpapatuloy ang panliligaw upang makapag-isip isip si Heart.

Hindi naman nagtagal ang agreement nila dahil hinarana ni Uno si Heart sa harap ng maraming tao sa café.

Inamin naman na ni Ace na siya ang Miami boy na dapat ka-blind date ni Heart noong araw na nakilala niya si Uno.

Dahil mas nagiging malapit na sa isa't isa sina Ace at Heart, gumawa ng paraan si Uno upang makabawi siya sa kaguluhan na ginawa niya.

Inimbita niya papuntang Heartful Café ang aktres na si Destiny Rose (Julie Anne San Jose).

Magtagumpay kaya ang plano ni Uno?

Mapapanood ang huling linggo ng Heartful Café sa GMA Telebabad pagkatapos ng Endless Love.

Samantala, sino ba ang nararapat paya kay Heart? Ang kanyang past na si Uno? O ang present na si Ace?

Bumoto RITO: