
Sa Heartful Café, inamin na ni Ace (David Licauco) na may nararamdaman siya sa kanyang business partner na si Heart (Julie Anne San jose).
Pero bago umamin si Ace kay Heart, kailangan niya munang ayusin ang relasyon niya kay Cors (Barbie Forteza).
Una nang nag-propose si Cors kay Ace para hindi na sila magkahiwalay pa pero hindi sinasadyang nasabi ni Heart kay Ace ang tungkol sa panlolokong ginagawa sa kanya ni Cors.
Dahil dito, umatras si Ace sa kanilang engagement. Kinompronta na rin naman ni Cors si Heart dahil sa nagawa nito sa kanya.
Tinangka naman ni Heart na humingi ng tawad kay Ace dahil pakiramdam niya ay nasira niya ang relasyon nila.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, natapilok si Heart habang hinahabol niya si Ace. To the rescue naman si Ace kay Heart, at dito na niya inamin na may pagtingin siya sa kanyang business partner.
Nang makarating sila sa Heartful Café, nakumpirma na ni Cors na may pagtingin nga ang kanyang boyfriend kay Heart.
Dahil dito, napagkasunduan nina Cors at Ace na maghiwalay para sa ikabubuti nilang dalawa.
Gusto naman ni Ace na makarelasyon si Heart kaya gusto niya itong ligawan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Heart?
Panoorin:
Mapapanood ang huling dalawang linggo ng Heartful Café, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Endless Love.
Samantala, ang kilig tambalan nina Julie Anne at David ay hindi lang sa harap ng camera dahil pati off-cam ay malambing sila sa isa't isa.
Tingnan dito: