GMA Logo Heartful Cafe
What's on TV

'Heartful Café' certified trending sa Twitter!

By Cara Emmeline Garcia
Published April 27, 2021 11:13 AM PHT
Updated April 27, 2021 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Heartful Cafe


Hakot awardee ang world premiere ng 'Heartful Café' sa Twitter!

Talaga namang inabangan ang pagbubukas ng Heartful Café sa parehong 'Pinas at abroad matapos itong magtrending sa Twitter!

Noong Lunes, April 26, opisyal na umere ang romantic-comedy series na pinagbibidahan nina Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso hunk David Licauco.

Ang official hashtag ng first episode nito na “#HCNowServing,” kasabay ng “Meet CEO Heart,” ay kinuha ang top spots sa Philippine Twitter at nag-land pa sa Top 25 ng Worldwide Twitter Trends.

Marami ring fans ang nagbahagi ng kani-kanilang favorite scenes mula sa first episode, lalong lalo na ang mga meme-worthy looks ni Heart Fulgencio, na ginagampanan ni Julie Anne San Jose.

Tingnan ang kanilang reactions dito:

Dahil sa taos pusong pagmamahal na natanggap ng show mula sa fans, pinasalamatan ni Julie Anne San Jose ang kanyang mga taga-suporta.

Aniya sa Twitter, “Sobrang salamat sa pagtutok at pagtrend sa #HeartfulCafe. Nakakataba ng heart!”

“May Numero Uno special sa menu pero kayo talaga ang number one! See you at the cafe, bukas ulit WOHHH!”

Mapapanood ang Heartful Café mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad, pagkatapos ng First Yaya.

Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV! Para sa kumpletong detalye kung anong oras ito ipapalabas sa inyong rehiyon, maaring puntahan lamang ang www.gmapinoytv.com.

Tingnan ang buong cast sa gallery na ito: