GMA Logo Heartful Cafe title card
What's on TV

'Heartful Café,' mapapanood na mamaya!

By Cara Emmeline Garcia
Published April 26, 2021 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Heartful Cafe title card


See you at the café mamaya, mga Kapuso!

Mga Kapuso, magbubukas na mamaya ang sweetest and most romantic café sa bansa, ang Heartful Café!

Mapapanood mamaya sa original Kapuso romantic-comedy series ang fresh team-up ng dalawang Kapuso stars -- si Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist na nagmamay-ari ng Heartful Café, at si David Licauco bilang si Ace Nobleza, isang competitive at goal-driven businessman na may interes sa coffee shop ni Heart.

Maliban sa matamis na online team-up ng #JulieVid, mapapanood din dito ang award-winning actor na si EA Guzman bilang si Uno Ynares, ang TOTGA (The One That Got Away) ni Heart, na nagbabalik sa puso ng café owner matapos ang kanyang brief stint abroad.

Makakasama rin dito si Ayra Mariano bilang si Mars, ang loyal companion ni Heart na nagsisilbing cashier at barista ng Heartful Café, at si Victor Anastacio bilang si Roco, ang funny barista na laging nagbibigay saya sa kanyang co-workers at loyal customers.

Sa Heartful Café makikilala rin ang dalawang up and rising stars na sina Zonia Mejia bilang si Sol Fulgencio at Jamir Zabarte bilang si Buddy Portales.

Sa Heartful Café mapapanood ang iba't ibang makuwelang istorya ng ilang lovers na ipagmamatch ni Heart sa kanyang cozy cafe. Sa kabila ng kanyang successful matches, hindi magawa ni Heart na buksan ang kanyang puso matapos siyang iwanan ng kanyang TOTGA.

Nang bumagsak ang business ni Heart, biglang pumasok si Ace para maging co-investor ng cafe at bigyang buhay muli ito para sa kanilang customers.

Mapunta kaya ang investment na ito sa romance?

Ang Heartful Café ay nasa ilalim ng GMA Entertainment Group na pinangungunahan nina SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, FVP for Drama Redgie A. Magno, SAVP for Drama Cheryl Ching-Sy, Program Manager Dennis K. Bentulan, at Executive Producer James Ryan L. Manabat.

Ito rin ay nasa creative direction ni Aloy Adlawan. Si RJ Nuevas ang nagsisilbing creative consultant at content creator nito. Isinulat naman ito ng head writer na si J-mee Katanyag kasama sina Ken de Leon at Jimuel dela Cruz.

Abangan ang world premiere ng Heartful Café, na idinirehe ni Mark Sicat Dela Cruz, ngayong Lunes, April 26, pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7. Mayroon din itong simulcast airing sa GMA Heart of Asia channel.

Para sa mga Kapuso natin abroad, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV. Para sa kumpletong detalye kung kailan ito ipapalabas sa inyong rehiyon, puntahan lang ang www.gmapinoytv.com.

See you at the café, mga Kapuso!