
Sa Heartful Café, nagkakilala na ang may-ari ng coffee shop na si Heart (Julie Anne San Jose) at ang kanyang investor na si Ace (David Licauco).
Itinayo ni Heart and Heartful Café kasama ang kanyang dating fiancé na si Uno (EA Guzman) ngunit simula noong nagkahiwalay sila ay bumagsak ang Heartful Café.
Kinailangan kasing pumunta ni Uno sa Los Angeles, California upang mag-aral sa film school sa loob ng dalawang taon.
Simula noong umalis si Uno, si Heart na ang nag-manage ng Heartful Café kasama ang mga tauhan niyang sina Mars (Ayra Mariano) at Roco (Victor Anastacio).
Walang customer na pumupunta sa Heartful Café kaya naman tuwang-tuwa sina Heart nang biglang pumasok si Ace. Ang komento ni Ace sa tinitindang kape ng Heartful Café ay "luma ang lasa" kaya naman nainis si Heart at pinaalis niya ito.
Ang hindi alam ni Heart, gustong mag-invest ni Ace sa Heartful Café upang matulungan itong lumago, at mabayaran ang utang ni Heart.
Ayaw naman pumayag ni Heart sa business proposal ni Ace kaya naman gagawin niya ang lahat para mapa-oo si Heart.
Mula sa pagbibigay ng bagong coffee beans hanggang sa pagtulong sa mga order ng customer, gagawin lahat ni Ace upang pumayag si Heart.
Hindi lang sina Heart at Ace ang mala-aso't pusa ang turingan sa isa't isa dahil pati na rin sina Sol (Zonia Mejia) at Buddy (Jamir Zabarte) ay ganun ang turingan.
Bukod sa magkaklase sina Sol at Buddy, pareho din silang nagtatrabaho sa Heartful Café. Nagtatrabaho si Sol bilang part-time barista at social media manager sa Heartful Café samantalang anak naman si Buddy ng kanilang repairman.
Nagbago ang tingin ni Heart kay Ace nang makita niya itong tumulong sa bulk orders na kailangan gawin sa loob ng 30 minutes.
Papayag na sana si Heart sa business proposal ni Ace pero nakita niya itong kausap ang may-ari ng kalaban nilang coffee shop.
Ang paliwanag ni Ace, kaibigan niya lang ang may-ari ng kakumpetensiya ng Heartful Café.
Maniwala kaya si Ace? Panoorin ang full episode DITO:
Tumutok lang sa Heartful Café mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya.
Habang hinihintay ang bagong episode ng Heartful Café, balikan muna ang nakakakilig na eksena sa pagitan nina Julie Anne San Jose at David Licauco DITO: