GMA Logo Hearts on Ice cast
Source: gmanetwork (IG)
What's on TV

'Hearts on Ice,' may 'twists and twirls' pa bago ang pagtatapos

By Kristian Eric Javier
Published June 9, 2023 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Hearts on Ice cast


Kaabang-abang na twist and twirls pa ang mapapanood sa first ice-skating series ng bansa na 'Hearts on Ice.'

Sa nalalapit na pagtatapos ng Hearts on Ice, sinabi ng mga aktres nito na sina Ashley Ortega at Roxie Smith na dapat daw abangan ng mga manonood ang 'twists and twirls' na mangyayari pa sa serye.

Sa interview nila kay Cata Tibayan para sa 'Chika Minute' sa 24 Oras, sinabi ni Ashley na dapat daw abangan hindi lang ang pinaghandaan nilang World Skating Championship scene, kundi pati na rin ang pagtupad nina Enzo (Xian Lim) at Ponggay (Ashley) ng kanilang mga pangarap.

“Abangan nila kung talagang matutupad ba nina Ponggay at Enzo 'yung kani-kanilang mga pangarap, kung malalampasan ba nila 'yung mga hadlang sa relationship nilang dalawa,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktres, “Sana po kumapit lang kayo dahil marami pa pong mga pasabog na eksena.”

Samantala, ibinunyag naman ni Roxie na marami pang “twist and twirls” ang dapat abangan sa serye.

“Marami pang mga twist and twirls na akala n'yo 'yun na 'yun pero may pasabog pa, may mga revelations pa,” sabi nito.

“So ano kaya 'yun and syempre, more kakiligan kay Enzo at kay Ponggay, sino nga ba ang magbati-bati, sino ba ang mag-aaway lalo?” pagpapatuloy nito.

Para naman kay professional figure skater Skye Chua, “heartbreaking na heartwarming” daw ang pagtatapos ng kanilang serye, bago nag-iwan ng mensahe sa mga manonood.

“Masaya, nakakaiyak talaga siya, 'yung ending ng Hearts on Ice. Sana, ma-inspire kayo,” sabi nito.

HABANG HINIHINTAY ANG PAGTATAPOS NG SERYE, TINGNAN MUNA ANG ILANG LITRATO SA HULING TAPING DAY NITO: