GMA Logo Hearts On Ice
What's on TV

'Hearts On Ice,' patuloy na humahataw sa ratings

By Aimee Anoc
Published April 24, 2023 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Hearts On Ice


Nakakuha ng matataas na ratings ang swimming race nina Ashley Ortega, Roxie Smith, at Skye Chua noong Huwebes at Biyernes sa 'Hearts On Ice.'

Patuloy na humahataw sa ratings ang Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice.

Matapos ang nakamamanghang ice performances nina Ponggay (Ashley Ortega), Monique (Roxie Smith), Sonja (Skye Chua), at two-time Winter Olympian Michael Martinez, sunod naman na inabangan ng netizens ang pagpapakitang gilas ng cast sa swimming.

Noong Huwebes (April 20), bukod sa ice rink ay nagkaroon din ng training sa pool ang mga figure skater para sa kanilang cardiovascular strength at muscular endurance. At para mas maging exciting ang kanilang training, sa halip na usual swimming program ay nagkaroon sila ng freestyle relay kung saan ang team na mananalo ay makakakuha ng premyo.

Magkakasama sa team sina Ponggay (Ashley), Monique (Roxie), Kring Kring (Shuvee Etrata), Jessa (Dani Ozaraga), at Sunshine (Lei Angela), habang nasa kabilang team naman sina Sonja (Skye), Kimberly (Ella Cristofani), at Ava (Felicity Eco).

Sa pagpapatuloy noong Biyernes (April 21), nagsimula na ang swimming race ng mga figure skater kung saan unang naglaban sina Monique at Sonja. Agad na nanguna ang team ni Sonja hanggang sa isa-isa na ring sumalang ang iba pang figure skaters. Huling lumusong si Ponggay kung saan nakatapat niya si Sonja.

Confident naman si Sonja na kaya niyang habulin si Ponggay nang sadyain nitong hindi muna lumusong kahit na nagsimula nang lumangoy ang huli hanggang sa malapit na itong umabot sa dulo ng pool.

Nakapagtala ng 9.6 percent ang episode 27 ng Hearts On Ice na umere noong April 20, habang nakakuha naman ng 9.0 percent ang episode 28, base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sino kaya sa dalawang team ang mananalo sa freestyle relay? Abangan iyan ngayong Lunes sa Hearts On Ice, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

MAS KILALANIN SI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: