
It's official! Magkasintahan na sina Ponggay (Ashley Ortega) at Enzo (Xian Lim).
Sa ika-59 episode ng Hearts on Ice, nalaman na ni Enzo na si Ponggay ang batang babaeng niregaluhan niya noon ng figurine. Dito na rin niya inalok si Ponggay na maging girlfriend.
Samantala, mas tumindi ang pagka-insecure ni Monique (Roxie Smith) kay Ponggay nang aminin ni Boggs (Kim Perez) na in love pa rin ito kay Ponggay. Kaya naman kinompronta ni Monique si Ponggay at tinawag na insecure at hypocrite. Hindi naman siya inurungan ng huli.
Ngayong Biyernes, makikiusap si Ponggay kay Yvanna (Rita Avila) na huwag nang magsampa ng kaso laban kay Tatay Ruben (Lito Pimentel) matapos na magpang-abot ang huli at si Gerald (Tonton Gutierrez).
Kakayanin kaya ni Ponggay ang kondisyon ni Yvanna na tuluyan na siyang mag-quit sa skating?
Abangan 'yan sa Hearts on Ice, 5:45 p.m. sa GTV bago ang 24 Oras.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: