GMA Logo Heath Jornales and Miguel Vergara
Courtesy: heathjornales IG
Celebrity Life

Heath Jornales and Miguel Vergara's reunion delights fans

By EJ Chua
Published March 11, 2026 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: March 11, 2026
Officials to study need to raise fare of Guimaras boat ride

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales and Miguel Vergara


HeaGuel (Heath Jornales and Miguel Vergara) is back! Panoorin ang kanilang makulit na dance collabs dito.

Kinagiliwan online ang reunion ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ex-housemates na sina Heath Jornales at Miguel Vergara.

Sa latest Instagram posts ng Kapuso star na si Heath, mapapanood ang cool at makulit na dance collaborations niya kasama ang Kapamilya star na si Miguel.

Suot ang kanilang matching brown outfits, game na game na ginawa ng dalawang ex-housemates ang paborito nilang dance steps na una nilang ipinakita sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sabi ni Miguel sa unang parte ng video sa isa sa posts ni Heath, “Kuya, cue the music.”

Mababasa sa comments section ang reaksyon ng kanilang fans at iba pang netizens tungkol sa kanilang recent bonding sa outside world.

A post shared by Heath Jornales (@heathjornales)

A post shared by Heath Jornales (@heathjornales)

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Heath at Miguel sa loob ng iconic house ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Nakilala sila rito bilang Team HeaGuel, at hanggang sa outside world ay sinusubaybayan at patuloy silang sinusuportahan ng kanilang fans.

Nakilala ang Kapuso ex-housemate na Heath Jornales sa Bahay Ni Kuya bilang Fighting Prince ng Taguig at ang Kapamilya ex-housemate naman na si Miguel Vergara ay ang tinaguriang Adorable Smasher ng Antipolo City.

Sa katatapos lang na Big Night ng teleserye ng totoong buhay, nasaksihan ang winning moments nina Heath at Miguel bilang Kapuso Second Big Placer at Kapamilya Fourth Big Placer.

Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night