GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Heath Jornales at iba pang stars ng 'You're My Favorite Song,' manalo kaya sa team of Gen Z content creators?

By Maine Aquino
Published July 13, 2026 6:59 PM PHT
Updated July 13, 2026 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala honored in special Malacañang reception after historic Wimbledon run
Pagdanaw sa 2nd kag 3rd floor sang Iloilo Terminal Market, huol sa mga vendor | Ratsada Balita
Check out the Binibining Pilipinas Grand Parade of Beauties

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Narito ang mga maglalaro mula sa teams na 'You're My Favorite Song' at Russco University.

Gen Z stars ang magsasama-sama para sa exciting na Tuesday showdown sa Family Feud!

Ngayong July 14, rising Kapuso stars at viral social media content creators ang tampok sa Family Feud.

Mapapanood sa team na You're My Favorite Song ang apat na bida ng GMA Afternoon Prime drama na sina Heath Jornales, John Clifford, Waynona Collings, at Princess Aaliyah.

Mayroon pang handog si Heath sa viewers dahil may inihanda siyang special song performance na mapapanood sa Family Feud stage.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakaharap naman nila ang Russco University na pinangungunahan ng sikat na Gen Z content creator na si Russco Jarviña. Siya ay nakilala sa kanyang relatable lifestyle vlogs at umabot na sa mahigit 1.7 million followers ang kanyang online community sa Facebook, TikTok, Instagram, at YouTube.

Kasama ni Russco ang kanyang mga kaibigan na sina John Pangilinan, isang Communication Arts at Marketing student at itinuturing niyang right-hand man; Jibril Bugtong, isang Information Science student mula sa Ateneo de Naga University; at Don Soriano, isang Entrepreneurship student ng University of Nueva Caceres sa Naga City. Kilala sila sa online community na Russco University kung saan ibinabahagi nila ang kanilang life experiences, career journeys, at mga araw-araw na adventure na patok sa Gen Z audience.

Rising Kapuso stars ba ng You're My Favorite Song o ang social media favorites ng Russco University ang magwawagi? Abangan ito sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 14, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.