GMA Logo Heath Jornales music career
Source: heathjornales/IG
What's Hot

Heath Jornales, gustong magkaroon ng music career?

By Kristian Eric Javier
Published April 4, 2026 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales music career


Bukod sa pag-arte, gusto rin umano ni Heath Jornales na lumago ang kaniyang music career.

Bukod sa pagiging isang magaling na aktor at martial artist, may angking galing din si former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Heath Jornales sa pagkanta at pagtugtog ng gitara. Kaya naman, isa umano sa mga gusto niyang pagtuunan ng pansin ay ang kaniyang musika.

Sa panayam sa kaniya sa vlog ng kilalang talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz, binalikan nila kung papaano siya nakukumpara sa dating PBB housemate din na si James Reid.

“Actually nga, nagulat ako, madalas kinocompare po ako kay James Reid po nu'ng younger po siya. Natutuwa ako kasi kino-compare po ako sa super, superstar po, natutuwa po ako, and then I also look up to him as well sa music career din po niya,” sabi ni Heath.

Sa katunayan, gusto sana niyang maging successful din ang music career niya kagaya ng nangyari kay James.

“I want my path sa music career po to be similar to his, to be successful po na maganda 'yung mga music na nilalabas niya,” sabi ng young actor.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA KAPUSO SINGERS NA KILALA RIN BILANG ACTORS SSA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi pa ni Heath, gusto rin niyang maranasan uli mag-gig sa mga bar at restaurant at tumugtog ng musika habang kumakain ang mga tao. Kuwento pa niya, minsan na niyang nagawa ito kasama ang bestfriend nang magpunta sila ng Tagaytay bago pa siya mag-PBB.

Ani Heath, nagpunta lang sila noon sa isang skate park sa Tagaytay at pagkatapos magpagod, ay nagpasyang kumain sa isang restaurant sa malapit. May tumutugtog at kumakanta umano sa napuntahan nilang kainan at nagpaalam sila sa mga ito kung maaari ba silang tumugtog pagkatapos.

“Sabi namin, after namin kumain, 'Can we play a few songs po?' Tapos pinayagan kami, ta's nag-gig kami like five to six songs. Tapos na-enjoy ko po talaga and du'n ko nalaman na mag gusto ko po talaga na mag-perform ng music,” sabi ng aktor.