
Nakalinya na ang mga proyekto para kay Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Second Big Placer Heath Jornales ngayong nakalabas na siya mula sa Bahay ni Kuya.
Isa na diyan ang upcoming serye nila ni Kapuso Big Winner Caprice Cayetano na may working title na Pangarap na Ginto.
Bukod doon, umaasa din si Heath na makatrabaho muli ang iba pang housemates sa isang pelikula o teleserye
Matatandaang ang unang batch ng PBB Celebrity Collab Edition ay magkakasama ngayon sa mystery drama na The Secrets of Hotel 88.
"I'm hoping po na makatrabaho ko po sila lahat. That would be super fun po," pahayag ni Heath.
Bago nito, nakatakdang lumabas si Heath bilang isa sa celebrity guests ng GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Gaganap siya dito bilang kapatid ng isa sa lead stars na si Raheel Bhyria.
"Ito po 'yung first ko after sa PBB po. Natutuwa po ako dahil same lang din po 'yung mga kasama ko dito. Si Raheel po, kasama ko po ulit," bahagi ng batang aktor.
Naghahanda na rin si Heath para sa "Heath Wave," ang upcoming niyang fan meeting sa April.
Abangan si Heath Jornales sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.
MAS KILALANIN PA SI HEATH JORNALES SA GALLERY NA ITO: