GMA Logo Heath Jornales Krystal Mejes in Fast Talk with Boy Abunda
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Heath Jornales, Krystal Mejes, ano ang mga nagbago at nanatili sa paglabas nila ng Bahay ni Kuya?

By Kristian Eric Javier
Published March 5, 2026 10:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Mar. 5, 2026) | GMA Integrated News
Transient vendors seek space at Iloilo market

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales Krystal Mejes in Fast Talk with Boy Abunda


Alamin kung sino na nga ba sina Heath Jornales at Krystal Mejes sa paglabas nila ng Bahay ni Kuya dito.

Matapos ang mahigit 100 days sa loob ng Bahay ni Kuya, ano na nga ba ang nagbago kina Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Second Big Placers Heath Jornales at Krystal Mejes, at ano naman ang hindi nawala sa kanila?

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ibinahagi nina Heath at Krystal ang mga naging pagbabago sa kanila sa paglabas sa Bahay ni Kuya. Ayon sa Kapuso actor, isa sa malaking pagbabago sa kaniya ay ang kaniyang looks at height.

“'Yung nabago po sa akin I guess is 'yung looks ko po, at tumangkad po ako du'n. Ang dami ko pong nakain na chicken breast na luto po ni Joaquin (Arce),” sabi ni Heath.

Ngunit nanatili pa rin naman ang kakulitan ng Kapuso actor sa kabila ng mga pagsubok, pisikal man o emosyonal, na kinaharap nila habang nasa loob ng PBB house.

MULING KILALANIN ANG ULTIMATE 8 NG 'PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION 2.0' DITO:

Naging kapansin-pansin naman ang dami ng “mata” na nakatutok ngayon kay Krystal, “Ang dami ko pong supporters and mga fans po siguro, Tito Boy, 'yun po talaga 'yung nabago ng PBB sa akin.”

Ang isang bagay naman na hindi nagbago sa aktres, ang pagiging appreciative niya sa mga bagay at pananatiling humble niya.

“Mas naging humble po ako, mas naging appreciative po ako sa mga fans ko because I don't wanna lose them,” sabi ng Krystal.

Samantala, ibinahagi rin ng dalawang aktor na ang pagkakasama nila sa Ultimate 8 ang pinakamasayang moments nila sa loob ng Bahay ni Kuya. Binubuo ito nina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Heath, at Princess Aaliyah para sa mga Kapuso, at nina Lella Ford, Krystal, Miguel Vergara, at Joaquin Arce para sa mga Kapamilya.

Ngunit nang tanungin naman sila kung ano ang pinaka-malungkot o lowest moment nila, pag-amin ni Krystal, “Before Ultimate 8, 'yun siguro po.”

Para naman kay Heath, ito ay ang pag-alis ng kaniyang malapit na kaibigan na si Lee Victor mula sa bahay noong ikatlong eviction night.