
Bago pa man magtapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, maraming nang pamba-bash at criticisms ang natatanggap ng housemates, kabilang na ang second Big Placers na sina Heath Jornales at Krystal Mejes.
Ngunit sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng dalawa na isa sa mga una nilang ginawa paglabas ng Bahay ni Kuya ay magbasa ng comments online. Sabi pa nina Krystal at Heath, hindi naman sila bothered sa mga negatibong komento ng mga tao sa kanila.
Tanong pa ni King of Talk Boy Abunda sa Kapamilya actress, “Kaya mo 'yung bashing?”
Sagot ni Krystal, “I think at some point, I have to kasi kailangan naman makinig sa mga criticisms in order for me to improve.”
Ngunit nilinaw naman ni Krystal, hindi siya nagpapaapekto pagdating sa mga komentong hindi niya alam kung saan ang pinanggagalingan.
Gaya ni Krystal, hindi rin umano nagpapadala si Heath sa bashing. Bagkus, ginagamit niya ito bilang paraan para mapabuti ang sarili.
“I read comments po and kunyari may mga bashing po, sometimes, I just use it to parang improve on myself. And 'yung mga super wild ones, I just try not to be bothered by them,” sabi ni Heath.
Ayon kay Krystal, alam niya kung sino talaga siya kaya madali sa kaniya ang hindi magpaapekto sa mga negatibong komento.
“I know my truth, so I always go back to that. Parang it's just what they think, what they see, what they feel, but it's not the truth, and it's not coming from me talaga,” sabi ng aktres.
Samantala, natuwa at nagulat naman si Heath nang malaman na magkakaroon siya ng proyekto kasama ang kapwa Kapuso housemate at Big Winner na si Caprice Cayetano.
Ngunit pag-amin ng aktor, “I haven't really talked to management about it, or I don't really know much about it po, pero I'm really excited po to see where it will go po.”
Aminado naman si Krystal na hindi siya umaasa na magkakaroon siya ng stature pagkatapos ng Teleserye ng Totoong Buhay. Sa halip, “I just wanna act. I just want more acting projects. Gusto ko lang pong umarte.”
Panoorin ang panayam kina Heath at Krystal dito:
Related gallery: Heath Jornales, Krystal Mejes, overwhelmed, grateful sa suportang
natanggap sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'