
Si Heath Jornales naman ang sumunod na nagsakripisyo para sa housemates na hindi na pinapaba sa Ultimate eye platform sa Bahay Ni Kuya.
Natunghayan ang kahanga-hangang effort at pagtulong ni Heath para kina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Lella Ford, at Krystal Mejes sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
*Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Para sa pagkain ng apat na housemates, naatasan si Heath na paypayan sila nang walang hinto at hindi ibinababa ang gamit niya sa pagpaypay.
Kwento ni Heath kay Kuya sa confession room, “Nung one hour and a half na po Kuya, nung time po na 'yon nangangalay na po ako ng sobra. Then, inisip ko na it's for their dinner and kung hindi ko po matapos 'to Kuya wala po silang makakain.”
“Dini-distract ko lang po 'yung sarili ko by either singing my own songs or just dancing habang nagpapaypay po sa kanila,” pahabol pa niya.
Habang ongoing ang task, kinakiligan ang tila pagiging concern ni Heath sa isini-ship sa kanya na si Caprice Cayetano.
Samantala, nagawa ni Heath ang kanyang sacrifice task sa loob ng tatlong oras at labinlimang minuto at ang naging katumbas nito ay tatlong platong pagkain para sa mga naninirahan sa Ultimate eye.
Nabigo mang makakuha ng apat na plato, malaki pa rin ang pasasalamat nina Caprice, Ashley, Lella, at Krystal sa ginawa ni Heath para sa kanila.
Sa nagdaang episodes ng teleserye ng totoong buhay, ipinasilip din ni Kuya ang pagsasakripisyo nina Miguel Vergara at Princess Aliyah para sa kanilang mga kasama na nasa Ultimate eye platform.
Sino kaya ang susunod na sasabay sa sacrifice task?
Ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa mga Kabataang Pinoy housemates sa teleserye ng totoong buhay?
Sino kaya ang maliligtas sa huling eviction at sino ang uuwi na sa outside world?
Abangan ang lahat ng 'yan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, mapapanood ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.