
Pinusuan online ang tila 'meet the parent' scene ni Heath Jornales sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Sa latest happenings sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, nasaksihan ng viewers ang pagdating ng daddy ni Caprice Cayetano na si Chef Jorge.
Kasunod nito, kinakiligan ng viewers ang pagkikita ni Chef Jorge at housemate ni Caprice na si Heath.
Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa confession room, inamin ni Heath na nasorpresa siya na ang bisitang chef nila sa loob ng Bahay Ni Kuya ay mismong daddy ni Caprice.
Sabi niya kay Kuya, “Nang sinabi po ni Caprice na daddy niya po 'yon… Boo! Nagulat po ako, Kuya.”
Reaksyon at komento naman ng ilang fans ng CapHeath (Caprice and Heath), “Kaya mo 'yan, Heath… kalma lang.”
Ang iba pang CapHeath shippers, naalala ang pagluluto noon ni Heath ng pancake para kay Caprice.
“Heath, paturo ka pancake na hindi sunog,” biro nila.
Samantala, si Chef Jorge ang katuwang ng housemates sa kanilang bagong weekly task- ang pagtatayo ng isang restaurant na tinawag ni Kuya na The PBB Bistro.
Huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.