GMA Logo Heath Jornales
Source: It’s Showtime
What's on TV

Heath Jornales, naghatid ng kilig sa opening prod ng 'It's Showtime'

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 2, 2026 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angara: Students behind school threats face expulsion, criminal charges
Fishing trip called off as 3 boats catch fire in GenSan
LEGO unveils collaboration with Olivia Rodrigo

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales


Kilig at lamig ng boses ang hatid ni Heath Jornales sa madlang pipol ngayong Huwebes!

Ipinamalas ng You're My Favorite Song lead actor na si Heath Jornales ang kaniyang charm at talent sa pagkanta sa kaniyang latest performance sa episode ng noontime show na It's Showtime!

Si Heath ay nag-guest sa naturang programa at siya ang nagsilbing opening prod, kung saan pinakilig at hinaranahan niya ang madlang pipol sa pamamagitan ng kaniyang maramdamin at napakalamig na pag-awit ng kaniyang bagong single na Ikaw Pa Rin Hanggang Ngayon.

Matapos ang kaniyang nakakadala at mahusay na performance, mainit siyang binati ng It's Showtime hosts at pinalakpakan ng masisiglang studio audience.

Pabiro pang binanggit ng host na si Vhong Navarro na natutuwa siya dahil nakapag-guest muli ang aniya'y “kakambal” niyang si Heath.

Agad din namang tinanong ng isa sa mga hosts na si Amy Perez kung ano ang kuwento sa likod ng kaniyang inawit na bagong kanta. Sabi ng Kapuso young actor, ang kanta niya ay tungkol sa pagpili sa pag-ibig gaano man ito katagal na naghihintay.

“It's about na kahit ilang taon [man] 'yung lumipas or how lang it takes, siya pa rin ang pipiliin ko po,” paliwanag ni Heath.

Tinanong din siya ng hosts ng programa kung ang kuwento ng kanta ay kaniya rin namang naranasan sa totoong buhay, buong-pusong sumagot naman si Heath at sinabing, “I guess if you wanna write a new song, it has to come from the heart.”


Binanggit din ng young actor na siya mismo ang nagsulat ng kantang ito na kabilang sa mga kanta sa kaniyang ilalabas na self-titled extensive play (EP) na Heath Jornales kasama ang kaniyang inilabas na kanta na Back To You.

Inimbitahan din niya ang mga manonood na suportahan siya sa kaniyang solo live concert na Heath's Time na gaganapin naman sa July 19, sa New Frontier Theatre.

Sa kabilang banda, kasama ni Heath, present din na nakisaya sa Thursday episode ng programa ang mga kasama niya sa GMA Afternoon Prime Series na You're My Favorite Song na sina Caprice Cayetano, Clifford, at Marco Masa.

Ang apat na Kapuso rising stars ay inimbitahan ang kanilang mga tagasuporta at ang mga manonood na patuloy na subaybayan ang kanilang serye tuwing hapon na anila'y puno ng kilig, inspirasyon, at pag-abot ng mga pangarap.

Masaya ring sumabak sa Oohh Lala Baby dance challenge ang apat sa kanilang pagbisita sa It's Showtime studio.

Patuloy na subaybayan sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!