
Friendship goals sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang Sparkle stars na sina Heath Jornales at Lee Victor.
Kaya naman labis na nalungkot si Heath nang ma-evict ang kaibigan niyang si Lee.
Nang marinig ni Lee na siya ang safe sa eviction at hindi si Lee, tila natahimik siya at hindi umano siya nakapagpaalam sa kaibigan dahil sa pagkabigla.
Sabi ng Sparkle star, “Nung time na 'yun I just wanted to hug Lee so bad and say goodbye pero nung time na 'yun po Kuya speechless po ako. I never even said a proper goodbye to Lee po Kuya. Ayun, I was really, really sad.”
“I don't know bakit wala akong masabi nun. Sana I said a proper goodbye and hugged him more,” emosyonal pang sinabi ni Heath.
Ang kasabay ni Lee na lumabas ng Bahay Ni Kuya ay ang Star Magic artist na si Inigo Jose.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.