
Muling naramdaman ni Lee Victor ang pagiging supportive ng kanyang kaibigan at fellow Sparkle star na si Heath Jornales.
Sa previous episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinasilip ang pagsalang ni Heath sa Ultimate Tapatan, kung saan sinagot niya ang tanong ng taumbayan at ng ex-housemates.
Related Gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0:
Dito ay nabanggit niya ang pangalan ni Lee nung sagutin niya ang tanong ni Clifford na kung may papalitan siya na nasa Ultimate 8 ay sino ito at sino sa ex-housemates ang ipapalit niya sa spot ng una?
“If I were to change someone on the Ultimate 8, it would be me, and I would [want] to give it to Lee [Victor],” sagot ni Heath.
Pahabol pa niya, “He's the one guy that nakita ko talaga na super, super, super deserving, and I've always wanted to see him thrive and talagang win.”
Kasunod nito, sinabi ni Heath na ngayong siya ang isa sa mga nasa Ultimate 8 ay ilalaban niya ang kanyang spot hanggang sa huli.
Habang naririnig ito, tila hindi napigilan ni Lee ang kanyang emosyon.
Napanood sa naturang episode na naiyak siya sa naging sagot ni Heath, lalo na't muling ipinaramdam ng huli ang pagmamahal ay suporta ng isang tunay na kaibigan.
Abangan pa ang susunod na twists at surprises sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
www.gmanetwork.com/pbblivestream