
Masayang sinagot ni Heath Jornales ang tanong kung saan niya gagamitin ang kanyang winning prize bilang Kapuso Second Big Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
*Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night
Sa GMA internal press interview na ginanap nitong March 3, ibinahagi ni Heath na ilalaan niya ang malaking bahagi ng cash prize para sa kanyang pamilya higit sa lahat para sa kanyang loving parents na sina Jem at Michael Roy Jornales.
Pagbabahagi ng Sparkle star, “What I'm planning to do with my winning prize is to help my parents buy a new car. Kasi parang gusto ko i-upgrade 'yung car ng parents ko… Para easier 'yung transportation namin.”
Ayon sa kanya, family goal umano nila ang pag-upgrade ng sasakyan.
“Parang naging family goal na rin po namin na to buy a car for us para mas madali po 'yung way of transportation po namin and para rin masaya po. 'Yun po 'yung naging goal po namin, especially po sa work importante po 'yun.”
“Napakasaya ko po na I was able to help my parents to achieve that,” pahabol pa ni Heath.
Si Heath Jornales at si Krystal Mejes ang itinanghal na Kapuso at Kapamilya Second Big Placers sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Nakilala ang Kapuso housemate sa Bahay Ni Kuya bilang Fighting Prince ng Taguig.